MGA BAYANG ASF-FREE SA BATAAN TODO-BANTAY SA PAGPASOK NG KARNENG BABOY

KARNE-BABOY

HINIGPITAN ang pagbabantay sa mga  bayan ng Pilar at Ba­langa kamakailan laban sa pagpasok ng karneng baboy na maaaring apektado ng African Swine Fever (ASF).

Nagtayo ng animal quarantine checkpoints sa mga posibleng pasukan sa dalawang lugar na napaliligiran ng dalawang bayan na apektado na ng hog virus.

Ang Balanga City at Pilar ay nasa pagitan ng dalawang virus-infected na bayan ng Abucay at Orion. Maliban sa dalawa, ang ibang bayan na nai-report na may ASF ay ang Dinalupihan, Hermosa, Orani, at Samal.

Ang Bataan ay may 11 bayan at nag-iisang siyudad.

Sinabi ni Arjay Barcenas, isang staff sa Ba­langa City veterinary office, na nagsimula na sila na magmando ng mga checkpoint noong Huwebes sa tulong ng mga opisyal ng pulis.

Sinabi niya na ang karneng manok ay kailangang magpresenta ng iba’t ibang dokumento tulad ng veterinary health certificate, certificate of meat inspection at iba pang papeles na pirmado ng isang beterinaryo ng gobyerno.

Nang malaman ka­makailan na ang kanilang kalapit na bayan ng Orion ay apektado na ng ASF. Agad nag-inspeksiyon si Pilar Mayor Carlos Pizarro Jr. ng lahat ng  backyard piggeries at ng commercial farm sa kanyang lugar.

Sinabi niya na nagbigay rin siya ng instruksiyon sa mga opisyal ng 19 barangays na higpitan ang kanilang pagbabantay kahit na sa backyard piggeries.

“Combined effort ng Balanga City at Pilar para hindi na makapasok ang ASF sa aming lugar,” ani Pizarro.    PNA

Comments are closed.