HANGGA ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung sino ba ang dapat na pambansang bayani, si Jose Rizal ba o si Andrés Bonifacio y de Castro. Hindi iyon ang tatalakayin natin, bagkus, si Bonifacio na lamang dahil ngayon ang kanyang araw na tinatawag na Bonifacio Day, November 30.
Kasi naman, isinilang siya noong November 30, 1863 at sumakabilang buhay noong May 10, 1897. Isa siyang Filipino freemason at revolutionary leader, at itinuturing na First President of the Philippines.
Tinatawag siyang Ama ng Rebolusyong Filipino at itinuturing na isa sa pinakamagiting na bayani ng bansa.
Isa siya sa nagtatag ng sa huli ay naging Kataas-taasang Pangulo (Supreme President o Presidente Supremo), ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na mas kilala sa katawagang “Katipunan”, ang samahang naglayong makamit ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila.
Nang mabisto ito ng mga Kastila, inireorganisa niya ito bilang isang revolutionary government, kung saan siya ang pangulo ng isang nation-state na tinawag nilang “Haring Bayang Katagalugan” (“Sovereign Nation of the Tagalog People” or “Sovereign Tagalog Nation”), na kalaunan ay naging “Republika ng Katagaluguan”, kung saan ang ibig sabihin ng “Tagalog” ay lahat ng isinilang sa mga isla ng Pilipinas, at hindi lamang ang Tagalog ethnic group
Dahil dito, snasabi ng ilang historians na siya ang dapat na kilalaning First President of the Tagalogs sa halip na ng Pilipinas, kaya hindi siya kasali sa listahan ng mga pangulo ng bansa.– LEANNE SPHERE