(Mga bayani ng lahi) BRIG. GEN. JOSE IGNACIO PAUA, KAISA-ISANG CHINESE GENERAL SA REBOLUSYONG FILIPINO

ISINILANG sa Fujian, China, lumipat si Paua sa Pilipinas kasama ng kanyang tiyuhin noong siya ay 18 years old pa lamang.  Umaasa siyang makaka­kita ng trabaho habang nag-a-apprentice na panday (blacksmith) sa Binondo.

Sa panahon ng rebolusyon, siya ang taga-repair ng kanyong ginagamit ng mga Filipino warriors. Kalaunan, naatasan siyang pamunuan ang arsenal at pagawaan ng baril sa Imus, Cavite sa tulong ng iba pang Chinese blacksmiths.

Nakipaglaban din siya sa iba pang labanan sa Cavite, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, at Tarlac. Dalawang araw matapos siyang makipaglaban sa Battle of Binakayan, itinaas siya bilang Captain.

Siya ang kaisa-isang purong dugong Chinese na kasali sa mga pumirma sa Biak na Bato Constitution at kaisa-isang Chinese general sa Rebolus­yong Filipino.

Sa panahon ng Filipino American war, humanap siya ng pondo upang matulungan ang mga lumalaban sa Bicol, ngunit nahuli siya at nakulong sa Fort Santiago. Pinalaya siya noong June 2, 1900.

Tumira siya sa Albay kung saan nahalal siyang pangulo ng munisipalidad ng Manito.

Cancer ang ikinamatay niya noong on May 24, 1926.

Makikita ang kanyang estatwa sa isang parkeng ipinangalan sa kanya na matatagpuan sa Legazpi City, Albay. — LEANNE SPHERE