LUNGSOD NG MALOLOS – Muling isasabuhay at ihahayag ang talambuhay at kuwento ng mga Bu-lakenyong bayani na siyang pangunahing tampok sa SINELIKSIK Bulacan DocuFest 2019 na may temang “Bayani ng Kanyang Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon”.
Ito ay bukas sa lahat ng Bulakenyo at ang bawat grupo ay mayroong bilang na hindi lalagpas sa 10 miyembro, lehiti-mong residente ng Bulacan at hindi pa nagagawaran ng mga pagkilala mula sa nasyunal at international film festivals sa nakaraang 12 buwan.
Layon ng nasabing docufest na magsagawa ng kumprehensibong pagsasaliksik tungkol sa mga Bulakenyong bayani at kanilang mga naging kontribusyon sa kasaysayan ng bansa at para na rin muling buhayin at ipaalala sa mga Bulakenyo ang kanilang kabayanihan at pagkamakabayan.
Ayon kay Gobernador Wilhemino Sy-Alvarado, mahalagang maipabatid sa mga Bulakenyo ang mayamang kasaysa-yan ng probinsiya gayundin ang mga taong nasa likod ng tagumpay na nagluklok sa kung ano ang Bulacan ngayon.
“Marapat lamang na maging maalam ang mga Bulakenyo sa kanilang kasaysayan, sa kanilang mahalagang papel sa mga kuwento ng pakikibaka at tagumpay sapagkat sa pamamagitan nito, patuloy tayong makahuhubog ng mga Bulaken-yong, matatapang, may paninindigan at may malasakit sa bayan,” anang gobernador.
Upang makasali sa patimpalak, ang mga lalahok ay dapat na magsumite ng tatlong kopya ng kanilang Research Paper, Script at Synopsis, tatlong DVD na mayroong lalagyan at pabalat, soft copy ng kanilang mga dokumento, isang minutong trailer, poster, 10 litrato ng produksiyon, 10 Best Stills, pirmadong kopya ng tuntunin at kundisyon at mga valid ID bago ang ika-5 ng Abril 2019 sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office.
Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng P100,000 para sa Best Documentary Film, P30,000 para sa Best Re-search, P30,000 para sa Best Cinematography, P20,000 para sa Special Jury Prize at P20,000 para sa Best Screenplay.
Ang mga kalahok na hindi nakatanggap ng kahit anong parangal ay mag-uuwi ng P10,000 habang ang mga hindi na-pabilang sa shortlist ay tatanggap ng P5,000 at ang kanilang mga dokumentaryo ay mapapabilang sa Bulacaniana Collec-tion ng Bulacan Provincial Library at ipapamahagi sa mga pampublikong paaralan, silid-aklatan at mga opisina sa Bulacan.
Ang SINELIKSIK Bulacan DocuFest ay kasalukuyang nasa ikatlong taon na matapos itong ilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng PHACTO noong 2017. A. BORLONGAN
Comments are closed.