MGA BEAUTY CREAM NAGLIPANA SA MERKADO KAHIT BANNED NA

skin lightening creams

IGINIIT ng EcoWaste Coalition, isang environmental health organization, ang hindi mapigil na pagbebenta ng imported skin lightening creams na may halong mercury sa kabila ng regulatory efforts na mawala ang mga produktong ito sa kalakalan.

Para makuha ang atensiyon ng patuloy na pagbebenta ng hindi ligtas na pampaputi ng balat,  naghanap at bumili ang EcoWaste Coalition nitong buwang  ng produkto na kasama na sa mga na-ban ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa kanilang taglay na mercury. Sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive, ang trace amount limit para sa  mercury sa cosmetics one part per million (ppm).

Lahat ng 15 produkto na binili at sinuri para sa mercury gamit ang  X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer na napatunayang kontaminado sa mercury na nasa range ng 710 to 30,000 ppm.  Nabili ang mga produkto noong November 4 to 16 sa halagang P60 hanggang P280 bawat isa mula sa tindahang nagbebenta ng cosmetics, herbal supplements at Chinese medicines sa Mandaluyong, Manila, Marikina, Parañaque, Pasay, Pasig at Quezon City.

Ang latest test purchase ng ginawa ng grupo ay itinaon sa pa­ngalawang meeting ng Conference of the Parties to the Minamata Convention on Mercury (COP2) na simula ngayong araw, November 19 hanggang November  23 sa Geneva, Switzerland.  Ang treaty, na kailangan pang ratipikahin ng administrasyong Duterte ay naglalayon na protektahan ang human health at ang environment mula sa anthropogenic emissions and releases of mercury and mercury compounds.

Ilan sa mga target,  kinakailangan ng treaty na mag-phase-out ng cosmetics, kasama ang skin lightening products, na may mercury na higit sa 1 ppm by  year 2020.

Ang  2020 phase-out deadline para sa  mercury-laced skin lightening products ay nalalapit na at  nakikita pa ring ang mga produktong ito na naka-display sa tindahan tulad ng  Miraculous Cream, na ibinebenta pa rin kahit nai-ban na ng FDA noong 2010,  hinagpis ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition.  Ang mga produktong ito ay hindi ligtas at makasisira sa kalusugan ng mga tao, lalo na ng kababaihan na guma­gamit nito para mapa­puti ang kanilang kulay, mawala ang dark spots o magtanggal ng pekas sa balat. Dapar aniya na magkaroon ang gobyerno na malakas na political will para mawala ang toxic cosmetics na ito sa balat ng lupa, giit niya.

Umayon ang Lee Bell, Mercury Policy Advisor of IPEN (isang  global NGO na nagtataguyod ng ligtas ng chemical policies and practices na kasama ang EcoWaste Coalition), kay  Dizon. “Mercury-based skin lightening creams should be consigned to history,” sabi niya.

“There was a time when we had little information about highly toxic materials like mercury being added to cosmetics and were powerless to act on them.  Thanks to EcoWaste Coalition this is no longer the case. They have consistently shined a light on the illicit sales of this dangerous product, which effectively poisons its users and can even contaminate their home and family. It’s time for the Philippine regulators to end this dangerous trade and ensure their citizens are safe from tainted cosmetics,” dagdag niya.

Ayon sa  World Health Organization, nakasisira sa kidney ang  inorganic mercury na tag­lay ng skin lightening soaps at creams.  Nagbabala rin na ang mercury sa skin lightening products ay puwedeng magkaroon ng skin rashes, skin discoloration at scarring, ganun din ang pagbaba ng skin resistance sa  bacteria at  fungal infections.

Ang 15 produkto na nabili at nadiskubre ng EcoWaste Coalition na  sobrang  kontaminado ng mercury ay ang mga sumusunod:  Parley Herbal Beauty Cream with Avocado (with 30,000 ppm of mercury), Goree Beauty Cream (22,800 ppm), Goree Day & Night Whitening Cream (20,000 ppm),  Yudantang 6-Day Specific Eliminating Freckle Whitening Cream (19,200 ppm), Golden Pearl Beauty Cream (11,600  ppm),  Erna Whitening Cream (8,957 ppm),  Feique Lemon Whitening Freckle-Removing Cream (6,122 ppm), Zitang-golden box (2,539 ppm), Zitang 10-Day Eliminating Freckle Day & Night Set, (2,470 ppm), Zitang 7-Day Specific Eliminating Freckle AB Set (1,995 ppm), Jiaoli Miraculous Cream (1,888 ppm),  Jiaoli 7-Day Specific Eliminating Freckle AB Set, (1,452 ppm),  Collagen Plus VitE Day & Night Cream (1,139 ppm),  and JJJ Magic Spots Removing Cream (710 ppm).

Maliban sa Feique Lemon Whitening Freckle-Removing Cream, lahat ng iba pang 14  na produkto ay banned na ng FDA dahil sa sobrang taas ng mercury content nito.

Para maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ng kalikasan, hi­nimok ng EcoWaste Coalition ang mga gobyerno sa buong mundo na gumawa ng proactive steps para malaman na ang  2020 phase-out dead-line para sa mercury-containing skin whitening cosmetics at iba pang mercury-added products, kasama na ang targeted batteries, bulbs and lamps, switches and relays, pesticides, biocides and topical anti-septics, and non-electronic devices such as baro­meters, hygrometers, manometers, thermometers, and sphygmomanometers.

Comments are closed.