NANANAWAGAN sa mga mamamayan ng Luzon at Visayas ang pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Phil-ippines (CBCP) na si Davao Archbishop Romulo Valles, na damayan at tulungan ang mga naapektuhan ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao.
“May people who are from the outside, reach out to the suffering communities and give them aid according to what they need,” apela ni Valles, sa church-run Radyo Veritas.
Kasabay nito, hinikayat ni Valles ang mga mamamayan ng Mindanao na magpakatatag at kalingain din ang kanilang kapwa na apektado ng sakuna.
Naniniwala ang Arsobispo na sa tulong at gabay ng Panginoon ay malalagpasan ng mamamayan ng Mindanao ang pagsubok dulot ng lindol.
Kaugnay nito, pinangunahan din ni Valles ang pananalangin sa Panginoon para sa mga naapektuhan ng lindol.
“Almighty Lord, source of comfort and strength in this time great difficulty and sorrow for many people and many communities in the area at Mindanao, that was hit by the earthquake. Please, in your own mysterious way, touch them and be there for them. Strengthen their faith in you and strengthen their trust in one another being united and taking care of each other,” anang arsobispo.
Humingi din ng tulong at patnubay si Valles sa mahal na Birheng Maria upang samahan ang mamamayan ng Mindanao sa kanilang muling pagbangon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.