NAKAHANDANG magpadala ng tulong ang Pilipinas sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Syria.
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nasa US $200,000 na financial assistance ang ibibigay ng Pilipinas sa Syrian Arab republic bukod pa in-kind relief assistance.
Idadaan ang naturang tulong sa Department of Foreign Affairs.
Nagpadala na rin ng tulong ang Pilipinas sa Turkiye.
Isang 82-man Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent ang ipinadala sa Turkiye.
Nakatulong din ang delegasyon sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa 36 na gumuhong gusali.
Nasa 1,022 na pasyente ang natulungan ng delegasyon ng Pilipinas.
Nakapagbigay ang Pilipinas sa Turkiye ng mahigit 11,000 piraso ng kumot, 5,000 piraso ng bonnets at 420 na pares ng gloves.