MGA BIKTIMA NG SUNOG SA M/V MARY JOY KINILALA NA NG MGA KAANAK

BASILAN- SINADYA ng Sulu- Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na magtungo sa lalawigang ito upang makuha at makilala ang mga labi ng mga pasahero ng nasunog na M/V Mary Joy 3 ng Aleson Shipping Lines.

Gamit ang sea asset ng PNP Maritime Group, sinabi ni Julkipli Ahijon, Jr., PDRRMO Officer ng Sulu, kasama nilang nagtungo sa Basilan ang mga kaanak na pumunta sa help desk na kanilang binuksan sa pantalan ng Jolo, kung saan apat na katawan ang kanilang nadala matapos makilala ng kanilang mga kaanak kabilang dito ang dalawang bata at dalawang babae at lalaki.

Habang isang bangkay din ang dumating kamakalawa ng madaling araw lulan ng M/V Diana ng Montenegro Shipping Lines mula sa Zamboanga.

Ayon kay Ahijon, mayroong naman isa ang kinuha na mismo ng kanilang mga kaanak mula sa bayan ng Luuk.

Naihatid naman ang dalawang buwan na bata sa kaniyang nanay sa Zamboanga.
Ani pa Ahijon, mayroon pang isang bangkay ang hindi pa nakilala ng awtoridad na ngayon ay nananatili sa isang funeral homes sa Zamboanga.

Magsasagawa muli ng imbestigasyon ang SOCO sa barko upang makilala din ang 18 naiulat na sunog bangkay.

Inaasahan ni Ahijon na makilala na ang mga ito sa mga susunod na araw.

Handa rin ang PDRRMO na tumugon sa anumang mga maaring gawin upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Lumilitaw sa kanilang listahan na 25 pa ang nawawala base na rin sa pagdagsa ng mga kaanak ng biktima. EVELYN GARCIA