MGA BIYAHERO KAILANGAN MAGPAREHISTRO SA E-TRAVEL

NAGPALABAS ng anunsiyo ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga biyahero na magparehistro sa one-stop electronic travel declaration system (eTravel) sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga international passenger na papasok at palabas sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na lahat ng mga dumarating at lumalabas na mga pasahero ay dapat na magrehistro muna sa eTravel na kinakailangan para sa pagsasagawa ng immigration formalities ng BI officers na nagbabantay sa counters ng bureau sa international airports at seaports.

Ang e-Travel ay nagpapalakas din sa border control services ng bansa na nagreresulta sa seamless travel experience para sa publiko.

Hinikayat din ni Tansingco ang airline companies sa pagpapatupad ng naturang proyekto dahil responsibilidad ng mga ito na abisuhan ang kanilang mga customer na magparehistro sa eTravel system na mandatory.
EVELYN GARCIA