KAILANGAN pa ring sumailalim sa quarantine ng mga biyaherong papasok sa Filipinas, kahit na nabakunahan na kontra COVID-19 sa labas ng bansa.
Sa inilabas na resolusyon ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na kailangan pa ring mag-quarantine ng mga biyaherong papasok sa bansa.
Ito anila ay dahil sa limitadong impormasyon hinggil transmissibility ng COVID-19 at sa bisa ng bakuna.
Matatandaang nag- umpisa na ang vaccination program ng ilang mga bansa gaya ng Estados Unidos, United Kingdom, Canada at China.
Comments are closed.