(Mga biyahero mula Pinas isinama sa travel ban) DEPLOYMENT NG OFWS SA OMAN SINUSPINDE

Silvestre Bello III

SINUSPINDE ng pamahalaan ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman sa gitna ng pandemya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay matapos na isama ng Oman ang Filipinas sa travel ban.

“Yes, a POEA Board Resolution was issued  suspending deployment of our workers to Oman,” wika ni Bello patungkol sa Philippine Overseas Employment Administration ( POEA).

Sinabi ni Bello na ang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang ipagbawal ng Oman ang pagpasok ng mga biyahero mula sa Filipinas.

“Last Monday, we received such referral from the DFA. They informed us that the Oman government came up with an order banning entry of Filipino travelers and even those travelers who passed through the Philippines,” ani Bello.

Dahil dito ay nagpasiya, aniya, ang Filipinas na itigil muna ang pagpapadala ng mga OFW sa Oman.

Hindi naman tinukoy ni Bello kung kailan magiging epektibo ang suspensiyon ng deployment.

47 thoughts on “(Mga biyahero mula Pinas isinama sa travel ban) DEPLOYMENT NG OFWS SA OMAN SINUSPINDE”

  1. 672105 177158This design is steller! You most surely know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Fantastic job. I truly loved what you had to say, and much more than that, how you presented it. Too cool! 409700

Comments are closed.