(Mga biyahero sa probinsiya pinayuhan) HUWAG MAGDALA NG PORK

PINAYUHAN ng National ASF Prevention and Control Program ang mga biyaherong uuwi ng kani-kanilang mga probinsya ngayong long weekend na huwag magdala ng pork at pork pro­ducts.

Ginawa ng ahensiya ang pahayag matapos ang mga naitatalang pagtaas ng kaso ng ASF sa bansa.

Ipinaliwanag ng Department of Agriculture, hindi nagbabakasyon ang natu­rang virus.

Bagamat walang epekto ang ASF sa kalusugan ng tao, target naman nito ang mga baboy na nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Mabilis din umano itong nakakahawa sa mga alagang baboy.

Ang panawagang ito ay bilang tugon na rin sa pagsusumikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.

Kabilang sa mga ba­wal bitbitin ay ang chicharon, sausages, ham, chorizo, at iba pang produktong sangkap ang baboy.

MA. LUISA M GARCIA