ISABELA – UMAABOT sa 34 na improvised explosives device (IED) na gawa umano ng New People’s Amy (NPA) na narekober at isinuko ng mga rebelde ang iprinisenta sa media sa loob ng 5th Infantry (Star) Division Philippine Army, Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu.
Kabilang sa mga narekober ng militar ay ang improvised anti-tank mines, power galvanometer, detonating cord at improvised anti-personnel mines na isinuko at narekober ng mga sundalo ng 5th ID sa ilang bayan sa Isabela, Quirino, Mt. Province, at Aurora.
Ayon kay dating kasapi ng NPA na si Ka Romy, sinabi niya na siya ang gumagawa sa karamihan sa mga nasamsam na IED, na siya nilang ginagamit sa pampasabog kapag sila ay nakikipaglaban at ang hindi nila naituloy sa plano ay ang kanilang pagpapasabog sa loob ng nasabing kampo.
Kaya sa kanyang pagsuko sa pamahalaan ay malaking kawalan umano ito sa kilusan.
Ayon kay Maj. Gen. Pablo Lorenzo Division Commander ng 5th ID (Star) Division Philippine Army na nakababahala ang kanilang narekober na mga pampasabog dahil sa napakalakas umano ng mga ito na kayang pagpira-pirasuhin ang isang light vehicle kapag sumabog ito gamit ang nasabing IED. IRENE GONZALES
Comments are closed.