MGA BULAKENYO NAG-REACT SA TOTAL FIRECRACKER BAN

firecracker ban

MALOLOS, Bulacan — Nagkaroon ng iba’t ibang reaksiyon ang mga Bulakenyo mula nang ianunsiyo ni Pa­ngulong Rodrigo R. Duterte ang national total  firecracker ban. Ang probinsiya ng Bulacan ay tinagurian nang “fireworks capital” ng bansa.

Sinabi ni Malolos City Mayor Christian Natividad na ang pahayag ng President ay kasama sa inherent powers of the state and the police.

“If the government uses these powers, it is incumbent for us to follow the order of the highest official of the land,” sabi niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Vice Governor Daniel Fernando na nakalulungkot ito para sa mga kasapi ng fireworks stakeholders sa Bulacan.

“Many will surely be affected and lose livelihood opportunities (caused) by the total ban on firecrackers,” sabi niya.

Bilang presiding officer ng provincial council ng Bulacan, sinabi ni Fernando na tatanungin niya ang mga miyembro ng pangkalahatan para mapag-aralan ang utos ng Presidente.

Dagdag pa niya na gagawa sila ng apela na ang total ban ay ipatupad lamang sa mga firecracker at hindi sa fireworks o mga produktong pailaw.

Samantala, sinabi ni Joven Ong, presidente ng Fireworks Association of the Philippines, ang naisip niya na ang tinutukoy ni Presidente ay ang Kong­reso na tingnan ang pros and cons ng pagba-ban ng firecrackers.

Sinabi ni Ong na magpapalabas pa siyang anunsiyo matapos na mapag-usapan ang tungkol sa isyu.

Sa kabilang banda pa rin, sinabi ni Lea Alapide, presidente ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., na babasahin muna niya ang executive order bago siya magbigay ng kanyang pahayag.

Base sa Bulacan’s Pyrotechnic Regulatory Board (PRB), ang industriya ng paputok sa probinsiya ay direktang nakapagbibigay ng pangkabuhayan sa hindi bababang 100,000 mga katauhan.

Noong 2017, kinuwenta ng PRB na mayroong  20,000 mga tao ang direktang nakikinabang sa pangkabuhayan na nanggagaling sa fireworks industry.

Pero, ayon sa fireworks stakeholders na ayaw magpakilala, ang industriyang lokal ay apektado na at nakararanas nang pagbagsak sa produksiyon at ang malalaking produksiyon ng mga malalaking firework  manufacturer na lamang ang natitirang nagnenegosyo kahit mahirap para lamang manatili ang industriya ng paputok.

Ang mga malalaking manufacturer ay iyong nakapag-shift mula sa lumang teknolohiya hanggang sa modernong teknolohiya, mas ligtas na mode ng paggawa ng pyrotechnics at mas magpokus sa aerial displays. PNA

Comments are closed.