ISA SA babantayan ngayon ni Education Secretary Sonny Angara ay kung naipatutupad sa mga paaralan ang anti-bullying policy.
Tila hindi nabigyan ng pansin ang batas na ito sa mga nagdaang mga taon.
Iniulat na nasa alarming stage na ang bullying sa bansa.
Isa sa findings sa Program from International Student Assessment (PISA) 2018 na ang Pilipinas ay may mataas na porsiyento ng bullying sa mga bansang kalahok.
Batay sa PISA 2019, 65% ng Filipino students ang iniulat na biktima ng bullying.
May mga insidente pa na nauuwi sa suicide ang pambu-bully sa mga estudyante ng kanilang kapwa mag-aaral o mismong mga guro rin.
Isa ang bullying sa sinasabing dahilan ng pagbaba ng grado ng mag-aaral kaya dapat itong seryosong tutukan ng DepEd.