MGA BUNTIS, MAAARI NA RING BAKUNAHAN VS. COVID 19

MAAARI na ring bakunahan laban sa COVID-19 maging ang mga buntis.

Ayon sa Department of Health (DOH), isasama na nila ang mga buntis sa priority groups ng COVID-19 vaccination sa bansa, kasunod ng rekomendasyon ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang mga buntis at mga nagpapasusong ina o breastfeeding mothers ay dapat na ring bakunahan matapos lumitaw sa bagong analysis na wala naman itong increased risk ng miscarriage.

Sinabi ng DOH na rerebisahin nila ang kanilang existing guidelines upang maisama ang mga buntis sa kanilang Expanded A3 group.
“We will be revising our existing guidelines for pregnant women based on these recommendations and to indicate that they are now part of Expanded A3,” anang DOH, sa isang pahayag.

“Based on the recommendations of our experts, COVID-19 vaccines are generally safe for pregnant women and getting vaccinated against COVID-19 is actively recommended during the second or third trimester,” anang DOH.

Maaari rin naman bakunahan ang high-risk pregnant women na sa kanilang unang trimester ngunit kinakailangang naipaliwanag sa kanila ng mabuti ang mga benepisyo at mga panganib nito.

Dapat din umanong mayroon silang medical clearance mula sa kanilang mga doktor.

“High risk pregnant women in their first trimester may also be vaccinated provided that benefits and risks have been fully explained and upon securing medical clearance from their doctor,” anang DOH.

Sinabi ng DOH na lahat ng bakunang available sa bansa ay maaaring gamitin sa mga buntis, maliban na lamang sa Sputnik V ng Gamaleya.

“Currently, most of the COVID-19 vaccines authorized in the country are safe for pregnant and breastfeeding women. The only vaccine that should not be given to pregnant women is with Gamaleya’s Sputnik V,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

3 thoughts on “MGA BUNTIS, MAAARI NA RING BAKUNAHAN VS. COVID 19”

  1. 962682 665371Be the precise weblog in case you have wants to learn about this subject. You comprehend considerably its almost onerous to argue to you (not that I personally would needHaHa). You undoubtedly put a new spin for a topic thats been discussing for some time. Good stuff, just nice! 79449

Comments are closed.