MGA BUNTIS PUWEDE NANG MAGPABAKUNA

INIHAYAG ng local na pamahalaan ng Makati na ang mga buntis na nasa ikalawa at ikatlong trimester ay maaari nang magpabakuna laban sa COVID-19 bunsod sa patuloy na pagsisikap ng lungsod sa pagbibigay ng bakuna sa mga residente sa gitna ng banta na idinudulot ng mas nakahahawang Delta variant.

“Para sa lahat ng mga buntis na nasa ika-4 na buwan hanggang ika-9 na buwan (2nd at 3rd trimester), maaari na kayong magpabakuna ng mga COVID-19 vaccines na may Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration, maliban sa Gamaleya Sputnik V,” nakasaad sa Facebook post ng lungsod.

“Samantala, maaari namang bakunahan ang mga nasa unang trimester ng kanilang pagbubuntis kung may dalang medical clearance mula sa,” saad pa ng lungsod sa Facebook post.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, ang mga interesadong magpabakuna ay maaaring mag-log in sa www.proudmakatizen.com at i-click COVID-19 vaccination form para makapagparehistro at pinaalalahanan din ang mga residente na nag walk-in ay mahigpit na ipinagbabawal.

Sa ulat ng Makati Health Department (MHD) noong Agosto 22 ay nakapagtala ang lungsod ng 2,080 aktibong kaso ng COVID-19 habang 29,309 na ang naka-recover at 772 na ang mga namatay. MARIVIC FERNANDEZ

5 thoughts on “MGA BUNTIS PUWEDE NANG MAGPABAKUNA”

  1. 593300 545361Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So good to search out any person with some exclusive thoughts on this subject. realy thanks for starting this up. this site is one thing thats wanted on the net, somebody with a bit originality. useful job for bringing one thing new to the internet! 806722

  2. 836796 537717 Spot on with this write-up, I truly believe this internet site needs much far more consideration. Ill probably be again to read significantly far more, thanks for that information. 683739

  3. 975747 79782Oh my goodness! an remarkable write-up dude. Thank you Even so My business is experiencing difficulty with ur rss . Dont know why Unable to subscribe to it. Can there be anyone obtaining identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 23119

Comments are closed.