MGA CELEBRITIES NAGBIGAY NG HEALTH TIPS

KAPANSIN-PANSIN ang pagdami ng mga sikat na personalidad na ­nagbibigay ng payo tungkol sa kung paano mapapanatili ang mabuting kalusugan at makakaiwas sa sakit lalo na nga at nasa gitna pa rin tayo ng ­pandemya. Mahalaga pa rin ang wastong nutrisyon, hydration, ehersisyo, malusog na kalusugan ng isip at sapat na pahinga. Kailangang mapanatili ang isang malusog na immune system para mapababa ang panganib ng mga malala at nakakahawang sakit.

Nitong mga nakaraang linggo ay ilan mga kilalang artists na aktibo sa social media ang nag-share ng kanilang feedback tungkol sa bisa ng bagong Solmux Advance sa pagtanggal ng ubo, lalo na yung may plema.

Ang Solmux Advance ay ang una at tanging gamot sa ubo sa Pilipinas na pinagsama ang Carbocisteine — na tumutunaw sa plema para madaling mailabas ito sa pamamagitan ng pag-ubo kasama ang mga bacteria na namuo dito — at Zinc na tumutulong na palakasin ang immune system at mabisang antioxidant.

Photo 2

PAOLO ABRERA AT SUZI ENTRATA-ABRERA: ISANG HEALTHY RELATIONSHIP

Matagal nang Kapuso Network host ng “Unang Hi­rit” at “Mars” si Suzi, habang si Paolo ay TV host, lifestyle columnist, triathlete, environmentalist, commercials director at TV content producer. Nagkakilala sila sa sports show na “Game Plan” at ikinasal noong 2001.

“Ano ang aming New Normal routine? Manatiling malusog at tiyaking ligtas ang paligid. Ang pagkain ng tama, pag-eehersisyo, pagtiyak na nakakakuha tayo ng sapat na pahinga pati na rin ang pagpapalakas ng ating immune system ay tumutulong sa atin para may panlaban sa anumang bagay na maaari nating masagap sa panahong ito,” ani Paolo Abrera (@paoloabrera) sa kanyang Instagram, habang sila ng kanyang asawang si Suzi Entrata-Abrera (@mars_suzi) ay gumawa ng pinagsamang video tungkol sa kanilang health journey.

“…gusto ko lang para­ngalan ang asawa ko hindi lang dahil sa pagiging napakagandang asawa kundi sa pagiging mahusay na ina sa aming tatlong anak na babae [Leona, Jade at Antonella]. Napaka-metikulosa pagda­ting sa kalusugan ng aming pamilya para iwas-sakit,” pagmamalaki ni Paolo.

“Pero kahit na anong ingat, gaya ng ibang taong kilala ko, naging positive kami ni Suzi sa Covid noong nakaraang January,” paglalahad ni Paolo. “Sa kabutihang palad, ang mga sintomas ay kaya namang masubaybayan at magamot sa bahay.”

Uminom agad sila ng Solmux Advance with Zinc. Nagsaliksik si Suzi noon tungkol sa mga gamot sa ubo at na-curious siya kung bakit ito naiiba sa orihinal na Solmux.  “Ang zinc ay naging buzzword sa nakalipas na ilang taon. Nakilala s’ya na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system. At kapag ang immune system ay guma­gana ng maayos, ito ay mas mahusay sa paglaban sa mga virus, “ paliwanag ni Paolo. `

Dahil dito, naging mahalagang bahagi ng pamilya Entrata-Abrera and Solmux Advance. “It is something that we will definitely reco­mmend to friends and fa­mily, lalo na ngayon na mas madalas tayong lumalabas at maki-halobilo, kaya mas lalong dapat makakasiguro na kung sakaling magka-ubo, ay mabilis naman s’yang mapagaling.”

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA: ANG OA NA NANAY NA ANG HANAP AY A1 NA GAMOT

Isa si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga tinuturing ni Suzi na malapit na kaibigan.

Si Mariel, na umaming siya ay isang OA, ay isang commercial model, endorser, “Pinoy Big Brother” host, VJ, aktres, at asawa ni Robin Padilla.

“Dahil nga I am an OA mom, I always research. Nakikisali ako, nakikipag-chikahan ako with fellow moms and sa mga mom groups. Kasali na dyan ‘yung na-share ni Mommy Mars Suzi na Solmux Advance with Zinc. Pinagsama para mas malakas at mas mabilis na gamot sa ubo,” pagmamalaki ni Mariel.

“Para sa mga OA mommy na tulad ko, ‘yung gustong-gusto natin ay yung mga ‘mas’ na ‘yan dahil gusto ko na mas protected ang kids ko. Pag nagkakasakit, mas gusto ko na mas mabilis ang effect. Gusto ko mas mabilis magpagaling.”

GINO ROQUE IV: MATIKAS LABAN SA UBO

Si Gino ng Kamiseta Group of Companies ay nagmamay-ari din ng kum­panyang apparel-turned-events na Forza. Pagkatapos maging housemate sa Pinoy Big Brother 8, nag-produce siya at nagbida sa romantic-comedy series na “Beauty and the Boss,” kung saan nakasama niya si Elisse Joson; at “Pasabuy” kasama ni Heaven Peralejo.

Bilang isang multi-­hyphenate (o celebrity na may kaalaman sa iba’t ibang lara­ngan), kailangang manatiling malusog ni Gino. “Mula nang magsimula ang pandemya, lahat tayo ay hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon sa loob ng mahigit isang taon. Lalo na sa pamilya ko, naka­tira kami sa isang compound. Takot na takot sila lolo at lola kung marami kaming lalabas. Napakatagal na ng pandemic na ito. Ang ginawa namin, nag-adjust kami sa New Normal,” aniya.

Upang makatulong na mapanatiling ligtas ang sarili at maging ang kanyang mga kasamahan, nag-isip si Gino ng mga paraan kung paano pa mapapalakas ang kanyang immune system at upang mabisang labanan ang mga karam­daman, kasama na rito ang pagsunod sa payo ng kanyang doktor na uminom ng Solmux Advance.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Solmux Advance with Zinc, mag-log on sa: https://www.unilab.com.ph/solmuxadvance?gclid=Cj0KCQjwmuiTBhDoARIsAPiv6L9AId2V6fENqV7ud67T5ZO1d9OEZu1h0HoiWijxEDJpEAL/facebook.