IMINUNGKAHI ni House Committee on Games and Amusement Vice Chairman at Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong na idamay na rin ng gobyerno sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) sensitivity training ang lahat ng mga pumapasok na Chinese sa bansa.
Kasunod ito ng hakbang ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na isailalim sa GMRC sensitivity training ang Chinese POGO workers upang ipaalala sa mga ito na kailangan nilang sumunod sa batas ng Filipinas.
Inirekomenda ni Ong na isama sa values training ang mga dumarating sa bansa na taga-Mainland China na kilalang notoryus na mga bisita sa bansa.
Nilinaw nito, hindi racism ang pag-obliga sa mga dumarating na dayuhan na rumespeto sa ating kultura at tradisyon.
Aniya, nagkakaroon na kasi ng pattern ang Chinese mainlanders na nasasangkot sa krimen tulad nang drug-trafficking, prostitution, kidnapping, gun-for-hire at money laundering.
Kaugnay nito, hiniling din ni Ong sa PAGCOR ang agarang pagbibigay ng Gaming Employment License (GEL) identification cards sa lahat ng registered Chinese POGO workers na maaaring gamitin ng gobyerno sa mabilis na monitoring laban sa COVID-19. CONDE BATAC
Comments are closed.