MGA CHINESE NA GUMAGAWA NG PEKENG SIGARILYO KINASUHAN

TULUYAN nang sinam­pahan ng kaukulang kaso ang mga Chinese na nasa likod ng pagawaan at bodega ng mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Valenzuela at Bulacan.

Ayon sa pahayag ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Brig. Gen. Nicolas Torre III, aabot sa P2.4 bilyon na halaga ng mga pekeng sigarilyo ang kanilang nakumpiska.

Kasama sa pagkum­piska sa bodega sa Valenzuela at  San Rafael, Bulacan ang mga opera­tiba ng Bureau of Internal Revenue.

Naaresto ang 30-anyos na si Wui Quilong o kilala bilang si Ronald at Tony.

Kasama rin nailigtas ang 155 na mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing factory kung saan nakumpiska rito ang mga pekeng sigarilyo at equipment na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon.

Dagdag pa ni Torre na ang nasabing planta ay kayang gumawa ng 12,900 sticks ng sigarilyo kada araw na nagkakahalaga ng P45 milyon.

Habang limang Chinese naman na kinilalang sina Yanliang Hu, 42; Rock Gara Yu, 45; Pan Zizhan, 51; Pan Zili, 42, and Pan Ziqiang, 35 ang naaresto sa tatlong bodega sa Valenzuela at nakum­piska dito ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.15 bilyon.

Nahaharap na ang mga ito ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at paglabag sa Intellectual Property Code.

EVELYN GARCIA