(Mga convoy ng kandidato winarningan) SIRENA AT BLINKERS DURUGIN – ALBAYALDE

albayalde

CAMP CRAME – NAGDEKLARA ng giyera si Philippine National Police Chief,  General Oscar Albayalde laban sa maling paggamit ng sirena, blinkers at iba pang katulad na devices.

Partikular na inutos ng heneral ang pagkumpiska sa nasabing kagamitan kasunod ng ulat ng paglabag ng ilang mga convoy at motorcade ng political parties na kandidato para sa May 2019 midterm elections.

Aniya, inatasan na ang  PNP Highway Patrol Group para istriktong ipatupad ang  provisions ng Presidential Decree No. 96 na nagbabawal sa paggamit ng  siren, bell, horn, whistle, at iba pang kahalintulad na kagamitan na nagdudulot nang maingay at nakakaalarma sa kalsada.

“We are moving forcefully against the indiscriminate use of prohibited sirens, bells, horns, whistles, or similar gadgets that produce staggering sounds; as well as illegal domelights, signaling or flashing devices,” ayon kay Albayalde.

Paliwanag ng PNP chief,  sa ilalim ng PD 96,  ang sirens at blinkers ay ginagamit lamang  sa motor vehicles  para sa l official use ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Commission, police department, fire department, at hospital ambulance.

Ang sinumang lalabag ay kakanselahin ang certificate of registration ng motor vehicle.

Nanawagan naman ang PNP sa mga kandidato na sumunod sa road safety protocol at kortesiya kapag nasa kampanya.

Inabisuhan naman ng HPG ang mga organizer, malala­king  convoys at  motorcades na makipag-coordinate sa local governmemt units at local PNP officers hinggil sa kanilang mga aktibidad.EUNICE C.

Comments are closed.