LAHAT tayo, sabik na sabik makadalo sa party lalo na kung family gatherings. Mas ligtas ka at ang iyong pamilya kung bakunado na kayo laban sa COVID-19. Ibig sabihin, mas malaya kayong gawin kung ano ang gusto ninyong gawin, kahit pa magtagal ang party, at kahit pa may ibang bisita liban sa pamilya.
Gayunman, posible pa rin ang infection outbreaks, kaya mag-ingat pa rin kayo, lalo na nga kung malaki ang party at gaganapin ito sa saradong lugar at kung may mga bisitang hindi naman bakunado.
Kung plano ninyong dumalo sa kung anumang party – kasal, debut, family reunion, o kahit ano pang party, ingatan ang inyong sarili at gawin ang mga sumusunod:
Magpabakuna bago ang party
Of course, hindi ito assurance na hindi ka magkaka-Covid, pero at least may laban ka. Sabi ng mga health experts agree, mas madaling mahawa ang mga walang bakuna at ang mga may bakuna naman, mahawa man ay may sapat na lakas upang patayin ang virus. In other words, mas less likely na lumala ang bakunadong nahawa ng Covid.
Kung hindi ka pa bakunado, magpabakuna ka na para makasiguro sa iyong kaligtasan. Hindi praktikal na dumalo sa mga pagtitipon kung wala kang panangga. Sabi nga, kapag umuulan, kailangan mong magpayong. Oo nga at hindi ka siguradong hindi ka mababasa, ngunit kahit paano, meron kang shield. Maraming private sector organizations ang tumutulong sa gobyerno ang nagsasagawa ng mass vaccination. Ang kailangan lamang ay magpa-schedule ka.
Pwedeng nagdududa ka sa bakuna o baka naniniwala kang hindi ka kakapitan ng COVID-19 ng dalawang beses. Mali po. Ilang kakilala namin ang tatlong beses pa ngang nagka-Covid.
Alamin kung paano magbiyahe ng ligtas
Kung kailangan ninyong magbiyahe, siguruhing mayroon kayong mga precautions. Kung walang sariling sasakyan at sasakay lang kayo sa bus, tren o eroplano, magsoot ng face mask at face shield. Pwede ring magsoot ng mask sa kahit saang lugar na matao, kahit pa during the party. Better safe than sorry. At syempre, pwede ka namang hindi pumunta sa party lalo na kung may nararamdaman kang sintomas ng COVID o kaya naman ay nagkaroon ka ng close contact sa isang taong na-diagnose na may Covid.
Protektahan ang mga batang hindi pa pwedeng bakunahan o hindi pa Fully Vaccinated
Kahit bakunado ka na, karamihan sa mga bata, hindi pa. Mas malakas man ang resistensya ng mga bata, pwede pa rin silang kapitan ng virus. In other words, hindi sila immune. To begin, kung 12 years old or older, saka pa lamang pwedeng magpabakuna ang bata. Wala namang masamang mag-ingat.
Pagsabihan din ang mga batang huwag munang magmano at paalalahanan din ang mga matatandang iwasan ang interaction sa mga bata. Pagpasensyahan na lamang ninyo ag mga matatandang hindi makaunawa sa sitwasyon. Huwag na ninyong patulan.
Ingatan din ang mga Immune-Compromised na miyembro ng pamilya
Mahirap protektahan ang mga immunocompromised individuals tulad ng mga transplant recipients o yung mga umiinom ng immunosuppressive medications kahit pa nabakunahan na sila. Kung may mga kasama kayong nabakunahan nga pero mahina ang immune system, pwede ba, huwag na silang tanggalan ng face mask kahit pa indoor o outdoor ang party, at ilayo sila sa maraming tao. Kung immunocompromised at hindi pa nababakunahan, o kung nabakunahan na ngunit wala pang booster, ganoon pa rin.
Huwag kalimutan ang face mask
Delikado pa rin ang indoor gatherings kahit pa bakunado ka na kaya huwag alisin ang face mask – lalo na kung makikipagkwentuhan — liban na lang kung kakain. Kung kokonti lang kayo sa party, medyo safe pero hindi pa rin. JAYZL VILLAFANIA NEBRE