Part II
MALAMANG na angkop ding pag-usapan ang makasaysayang mataas na volume ng mga nakumpiska, na-intercept at winasak na mga ilegal na droga sa bansa. Isama na riyan ang makasaysayang laki ng bilang ng mga tao na pawang mga naaresto at sumurender na may kinalaman sa mga kasong ilegal na droga.
Maganda na ring matumbok ang makasaysayang pagtaas ng bilang ng mga gumagradweyt sa mga drug rehabilitation center at pag-construct ng mas maraming mga drug rehab center.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging agresibo at makatotohanan ang pagtugis sa riding-in-tandem na matagal nang naghahasik ng lagim sa ating lipunan.
Ngayon na lamang talaga, aminin man ng mga kritiko ng Pangulo na may nakukumpiskang tone-toneladang shabu, tunay na makasaysayan na ang volume ng mga nakukumpiska at nai-intercept ng pamahalaan na mga ilegal na droga.
Walang kaibi-kaibigan, walang kamag-a-kamag-anak, at walang kabarilan na ngayon kung kaya’t pinaniniwalaan ng taumbayan ang kampanya kontra sa korupsiyon na maraming ulo na ang pinagugulong ni PRRD mula sa kani-kanilang posisyon sa gobyerno. Ngayon lang nangyayari ang ganyan!
Lalong tumaas din ang financial assistance sa mga nagdarahop na pamilyang Filipino at lumaki ang bilang ng mga pamilyang sinasaklaw ng PPPP, kasabay ang paglikha ng mas maraming hanapbuhay para sa madla na kitang-kita naman dahil sa rami ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Tuluyan na ring nawasak at na-eliminate ang tanim bala scam na sikat na sikat sa panahon ng nakaraang administrasyon.
Na-eliminate na rin ang national vaccine clinical testing scam na bilyon-bilyong pisong salapi ng taumbayan ang nawawaldas at libo-libong pamilya ang inilalagay sa panganib.
Ngayon na lamang din nagkaroon ng 24/7 na media coverage ng mga aktibidad ng pamahalaan.
Na-eliminate na rin ang “nganga” at “noynoying” culture sa burukrasya at nagkaroon na ng mas participative na private sector sa pambansang mga aktibidad.
Tumaas din ang foreign investors at tumaas ang volume ng foreign investments na lumikha rin ng dagdag na mga hanapbuhay para sa ating mga kababayan.
At malamang napapansin din maging ng mga kritiko ng pamahalaan ang dramatikong pagbaba ng crime incidents sa bansa.
Comments are closed.