MGA DAYUHAN BAWAL NA SA PINAS

Commissioner Jaime Morente-4

HINDI na maaring pumasok sa bansa ang mga dayuhan mula  Marso 22,  ayon kay  Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente makaraang magpalabas ng foreign service circular ang Department of Foreign affairs (DFA).

Ito ay may kaugnayan sa isinusulong na enhanced community quarantine ng pamahalaan na siyang dahilan upang ipatigil ang visa issuance and visa-free privileges para sa  foreign nationals na dumarating sa Filipinas.

Ganoon din ang  pagkakadeklara ng state of calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa Covid-2019 at ang declaration of  public health emergency ng buong bansa.

Ayon kay Morente, lahat ng issuance ng entry visas para sa mga incoming foreign nationals ay ipinatigil ng DFA, at ang naisyu ay automatic na kanselado na.

Nabatid kay Morente na umaabot sa 157 foreign nationals ang  nakikinabang sa prebilihiyo na ito mula sa mga bansang South Korea, United States, Canada, Japan at galing sa Singapore.

Ngunit nakasaad sa circular na ito na exempted ang mga foreign spouse at kanilang mga anak na Filipino national, foreign crew members, at mga opisyal ng  International Organization na accredited sa bansa.

Magiging epektibo ang naturang kautusan sa loob ng 48 oras o kaya mula alas-12 ng tanghali ng Marso 22 para mabigyan ng pagkakataon ang  foreign embassies.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng DFA na siyang may hurisdiksiyon sa foreign policy, at kasama sa restriction ang mga dayuhan na na-convert na sa  immigrant and non-immigrant visas, at special visa holder. FROI MORALLOS