MGA DAYUHAN NA MAY EXPIRED ACR I-CARDS MAKAPAPASOK SA BANSA

Jaime Morente

MAKAPAPASOK na sa bansa ang mga dayuhan na may hawak na immigrant o kaya permanent visa, kahit expired ang mga ACR I-Card, at valid ang   reentry permits (RPs), ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

Kasabay nito ay naglabas ng direktiba si Morente sa kanyang mga tauhan sa Bureau’s Registration Division (ARD), na pagsabihan  ang mga dayuhan na mag-renew ng ACR I-Card sa halip na pauwiin sa kanilang port of origin.

Ito ay matapos ulanin ng reklamo ang kanilang opisina ng mga permanent residence alien at im­migrant na mayroon expired ACR I-Card, bunsod sa naging pahayag ng mga taga ARD, na ang ACR I-Card ay hindi basehan para payagan sila na makapasok sa Pilipinas, bagkus ito ay isang pagpapatunay lamang na rehistrado ang mga ito sa BI.

Bilang pagsunod sa direktiba ni Morente ay  nagpalabas ng memo si Atty. Capulong, hepe ng Port Operation Diivision (POD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na payagan ang mga dayuhan na makapasok sa bansa, at hayaang makapag-renew  ng kanilang ACR I-Card.

Dagdag pa ni Capulong, ang mga dayuhan na may hawak ng non-immigrant visa ay kinakaila­ngang may valid na ACR I-Cards bago makapasok sa bansa.

Matatandaan na naglabas din ng direktiba si Justice Secretary Menardo Guevarra na  pumapayag sa  aliens na expired ang  reentry permits at SRCs  na ma-extend at bayaran ang kanilang fees sa  airport.

Karamihan aniya sa mga  alien visa holder ay hindi nakapag-renew o nakapag-extend ng kanilang  RPs at SRCs, bunsod sa pagkaka-stranded sa  abroad dulot ng pandemic, at travel restrictions na ipinatutupad ng iba’t ibang  bansa. FROILAN MORALLOS

4 thoughts on “MGA DAYUHAN NA MAY EXPIRED ACR I-CARDS MAKAPAPASOK SA BANSA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.