MGA DAYUHAN PAGMUMULTAHIN NG BI

Immigration

PAGMUMULTAHIN ang mga foreign nationals na hindi magsusmite ng annual report sa Bureau of Immigration (BI) sa loob ng 60 araw mula sa araw na ito, ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

Ang tinutukoy na mga dayuhan ay ang mayroong  hawak na immigrant, non-immigrant visa, at maging ang may hawak ng certificate of registration identity card (ACR I-Card), na obligado na mag-report sa kanilang opisina sa lalong madaling panahon.

Sa ilalim ng Alien Registration Act of 1950, ang dayuhan na hindi  susunod o magko-comply sa ipinag-uutos ng naturang batas ay pag-mumultahin at may kaakibat na visa cancellation, deportation at pagkakulong.

Dagdag pa ni Morente,siguruhin na nakapag-register sa on line appointment sapagkat hindi sila tumatanggap ng walk in upang masunod ang social distancing at maiwasan ang hawaan ng COVID-19

Sa kasalukuyan ay naka-reserve ang 800 slots sa mga dayuhan na magsusumite ng kanilang annual report, at ang iba ay nakalaan sa accredited entities at remote reporting para sa maramihang aplikante.

Ayon naman kay Atty. Jose Carlitos Licas, BI Alien Registration Division chief, ang remote AR ay maaring i-request sa kani-kanilang mga embahada kapag lumagpas sa sampu katao ang magsusumite ng annual report.

Ang mga nasa edad na 14 pababa ay ang kanilang mga magulang ang maaring gumawa ng kanilang mga annual report habang ang mga senior citizens at persons with disabilities ay maari magsumite ng kanilang annual report through their representatives na may dalang special power of attorney. FROILAN MORALLOS

3 thoughts on “MGA DAYUHAN PAGMUMULTAHIN NG BI”

  1. 310823 861319I genuinely enjoy looking via on this internet internet site , it holds superb articles . 33

Leave a Reply

Your email address will not be published.