UMAABOT sa 400,O00 deboto ang mga bumuhos sa Quiapo para dumalo sa misa ng Itim na Nazareno araw ng Sabado sa kabila ng banta ng pandemya ng coronavirus.
Sa pagtataya ni Manila Police chief Leo Francisco ay maaring umabot sa isang milyong deboto ang dadagsa hanggang sa dakong gabi.
Unang iniulat ng Manila LGU na nasa 22,840 deboto ang nasa area pasado alas- 9:00 ng umaga gayong ang onsite attendance ay 400 deboto sa kada misa.
Marami naman ang nalungkot sa pagbabawal ng traslacion ng Itim na Nazareno kaya sinikap pa rin ng mga deboto na makapunta para makadalo sa banal na misa.
Comments are closed.