MGA DESIGNER NAGTIPON SA CEBU PARA SA #SUIGENERIS OTOP NAT’L DESIGN MEET

National Design Conference

NAG-ORGANISA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kauna-unahang  One Town, One Product (OTOP) National Design Conference kama­kailan lamang sa Cebu City.

Tinawag na  #SuiGe­neris: Identity. Ideation. Innovation, nagtipon-tipon ang halos 200 food at packaging designers, homestyle at fashion designers, DTI trade specialists, at OTOP Hub operators para makasi­guro na nakalinya sila sa pinakabagong merkado at trend sa disenyo.

Bilang ganti, inaasahan sila na isakatuparan ang kanilang natutunan sa pagsisikap na mai­angat ang kanilang pro­dukto para makasabay sa mga produktong lokal sa buong bansa. Ang Sui Generis ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay ‘a class of its own’ o kakaiba sa lahat, o nag-iisang klase.

Inulit ni DTI Assistant Secretary Demphna Du-Naga ang panga­ngailangan para sa mga MSME na umangat at maghanda para sa papalaking domestic at global market. Hinamon ng DTI Region 7 na siyang nag-host ng tatlong araw na komperensiya na pinangunahan ni Regio­nal Director Asteria Caberte ang mga kasali na mas gumawa pa at lalong maging mapag-obserba sa kala-karan sa merkado pagdating sa disenyo ng produkto.

Naging keynote lecturer ang international celebrity designer na si Kenneth Cobonpue tungkol sa design inspirations at innovation. Ang market trends at business outlook ay ibinahagi ni entrepreneur Carlo Calimon. Ang sustainability practices ay ibinahagi ni Carissa Pobre ng The Purpose Business at conference co-organizer Design Center of the Philippines Executive Director Rhea Matute.

Ang Filipino identity session ay nagdala ng pasabog na tinalakay ni University of Sto. Tomas Graduate School Director Dr. Eric Zerrudo, international curator Marian Pastor-Roces, at Team Manila founder Jowee Alviar. Nagtipon sa komperensiya ang total na 18 plenary speakers at walong breakout resource experts. Nagtapos ito sa isang learning tour sa i­lang kompanya sa Cebu na ang mga tagumpay sa disenyo ay naglagay sa Cebu sa mapa ng mga disenyo.

“We recognize how vibrant the creative community in Cebu City is. It is home to world-renowned designers and there is an exciting emergence of young artists, artisans, designers to add to its coterie of design veterans. Its enduring and competitive industries in the furniture, fashion wearables, and food business contribute much to its local economy. Cebu was the perfect venue for the design conference,” pahayag ni Conference Director and OTOP Program Manager Leon Flores III.

Isang kapareho na bagama’t maliit na training para sa mga designer ay nangyari noong 2017 nang ang OTOP program ay muling binuhay.

Maraming nakuhang inspirasyon sa disenyo at mga ideya mula sa mga session at breakout workshops.

“The diversity and dynamics of having both designers and manufacturers in one setting provided an opportunity to identify problems and solutions in a very realistic and objective manner,” sabi ni  Davao-based designer and academic Emi Englis.

Ang One Town, One Product (OTOP) Philippines ay isang priority stimulus at community-driven program para sa Micro and Small and Medium-scale Enterprises (MSMEs) na tumutukoy, nagde-develop at nagtataguyod ng mga nakapokus na produkto sa mga lokalidad para maitulak ang paglago ng ekonomiyang lokal.

Hanggang nitong Mayo 2019, may 20 OTOP Hubs o retail centers sa buong Filipinas ang nagbebenta at nagpapakita nitong mga paboritong lokal. Bisitahin ang kahit isa sa kanila ngayon at suportahan ang lo-kal na produkto ng ating mga manggagawa.

Comments are closed.