MGA DIABETIC NA FANTASTIC!

edwin eusebio

Makasaysayang pagtitipon at simbolo ng pagkakaisa, mga diabetiko nagtagpo at nagsama-sama…

Layon nito na kanilang ipamalas, ipakita…

diabetiko man ay may lakas ng isip at pagkakaisa.

 

Sa pangunguna ng Lions Club International,

suportado ng Novo Nordisk Pharmaceutical…

Bumuo sila ng pinakamalaking blue circle upang itanghal, ang pandaigdigang simbolo ng mga diabetiko na kanilang ikinarangal.

 

Higit sa tatlong libong mga tao ang nakilahok sa pagbuo ng simbolo, kasabay ang panawagan sa lahat ng mga bansa at saan mang dako…

Seryosohin ang banta ng diabetes at ang ­kumplikasyong idudulot nito na siyang nagiging sanhi ng mga karamdaman at paghina ng katawan ng tao.

 

Nakiisa at sumuporta ang DOH sa naturang pagtitipong kay ganda.

Si Usec. Rolando Enrique ay masiglang nagsalita pa…

Hinimok ang mga diabetiko na magbago ng lifestyle na maging mapanuri na sa mga kinakain at mag ehersisyo tuwina.

 

Galak at tuwa at liglig sa ligaya ang kanilang nadama, mga kasapi ng Lions District 301, Ginoong Remigio G. Pangan ay kay saya.

Parang hindi napapagod habang kaulayaw mga kaibigan at kasama Ms. Angelina Encarnacion na game na game tila walang sakit na iniinda.

 

Ang pagkakaisa at pagsasama sa pagbuo ng asul na bilog, simbolong naipakita ng Lions International Group…

Marami silang mga katuwang na diabetic subalit tila ‘di napapagod

Para pigilan at puksain ang karamdamang banta at nakatatakot.

 

Ang diabetes ay pangmatagalang karamdaman…

Higit lalo na kapag ang katawan ay walang kakayahang lumikha ng insulin na nagsisilbing enerhiya at ito ay kailangan

Nagdadala ng asukal sa dugo na masama kung labis, gayundin kung kulang!

 

Kaya nga huwag babalewalain ang diabetes maging sintomas pa lamang nakikita na ang epekto nito sa mga tao saang bansa man.

Ito ang nakagugulat, dapat marahil pangambahan…

Isang tao ang nasasawi sa kada walong segundo na nagdadaan dahil ‘yan sa diabetes na kadalasang ang langgam pa ang unang nakaaalam!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.