Mga Disney Princess na gusto mong maging ikaw noong bata ka

Naaalala mo ba ang tawag sa’yo ng iyong ama noong bata ka pa? Ikaw ang kanyang prinsesa. Ikaw rin naman, gusto mong maging prinsesa. Sigurado ko, isa sa mga prinsesang ito ang na napanood o nabasa mo ang gusto mong maging.

Arielle, The Little Mermaid

Sino ang makalilimot sa magandang sirenang si Arielle na hinangad maging tao para sa lalaking kanyang minamahal? Medyo tragic ang istorya nito dahil hindi sila nagkatuluyan. Ipinagpalit kasi niya ang kanyang magandang tinig kapalit ng pagkawala ng kanyang buntot na isda. Binigyan din siya ng maikling panahon para paibigin ang lalaking kanyang minamahal

Sa huli, naging hamog siya at sumama sa hangin, ngunit ang moral lesson nito ay mas mabuting nagmahal ka minsan sa iyong buhay, kesa hindi mo ito naranasan kaylan man.

 Cinderella

Pinakasikat na yata sa lahat ng Disney Princess si Cinderella. Kasi naman, may part 2 at part 3 pa. Ito yung prinsesang ang classic story ay from rags to riches, naiwan ang isang paa ng glass slipper sa isang sayawan, at ito ang ginamit ng prinsipe upang matagpuan siya.

 

Mulan

Kakaiba ang Mulan dahil isa siyang warrior at hindi damsel in distress. Kinaya niyang makipaglaban sa giyera para sa kanyang amang may sakit. Pero bukod sa istorya, very touching ang theme song nitong Reflexions na may lyrics na “Who’s this girl I see staring back at me? Why is my reflexion someone else that I don’t know.”

Hindi masyadong romantic ang storyline nito pero full pack sa action at drama. In the end, happy ending naman. Nagkatuluyan si Mulan at ang captain matapos malamang babae pala siya.

Pocahontas

Dramatic ang story ng Pocahontas na tumatalakay sa spiritual side ng mga bagay at sa kasaysayan ng mga Red Indians sa America, pati na ang mga pagsubok na kanilang dinanas upang protektahan ang lupaing kanilang tahanan.

Tungkol pa rin ito sa pagmamahalan, ngunit sa pagitan ng dalawang taong magkaiba ang pananaw sa buhay.

 

Rapunzel

Ito ang pinakapaborito kong prinsesa, si Rapunzel ng Tangled. Long hair, maganda at nakakulong sa isang napakataas na tore na iniligtas ng isang prinsipe sa bruhang nagkulong sa kanya.

Classic book story ito na ikinukwento sa atin ng ating mga nanay at lola. Noong mauso ito noong 2010, nauso rin ang expression na “haba ng hair mo, the!” na ang ibig sabihin ay “ang ganda mo.”

 

 Belle

Tale as old as time talaga ang Beauty and the Beast na ang magandang prinsesa ay may pangalang Belle. Story of true love ito na pwedeng mangyari sa totoong buhay. Hindi syempre yung beast na naging guwapo matapos mawala ang sumpa, kundi yung true love sa pagitan ng isang maganda at hindi kagwapuhang lalaki. Hindi ito love at first sight, kundi pag-ibig na unti-unting na-develop.

Umibig si Belle kay Beast sa kabila ng kanyang hitsura, at ganoon din naman si Beast kahit pa masungit siya noong una.

 

Jazmine

Heto yung movie na isang buwan na yata naming napanood, kinakanta ko pa rin ang theme song.

Noong 1992, ipinakilala sa atin si Princess Jazmine ng Persia na umibig sa mahirap na si Aladdin ngunit siya namang nagmamay-ari ng mahiwagang flying carpet at ng Blue Genie na nagbigay sa kanya ng tatlong kahilingan.

Action at romance ang pelikulang ito, at very entertaining din dahil sa genie. Hango ito sa 1001 Arabian Nights.

 

Merida

Brave ang title nito dahil ipinakita ni Princess Merida, isang Scottish princess, ang kanyang tapang, dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya.

Naka-focus ang istorya nito sa nakakagulat na desisyon ng prinsesa tungkol sa sinusunod nilang old-Scottish heritage, ngunit nakatulong ng malaki sa matapang at confident na si Merida. Sinira niya ang mga typical stereotypes na dapat sundin ng isang prinsesa.

Sa tapang at tapang, hindi siya tipikal na prinsesa ngunit ito ang dahilan kaya siya kakaiba.

 

Moana

Heto si Moana na walang wicked stepmother, masamang bruhang maiinggit o prinsepeng magtatanggol. Determinado si Moana na maging independent ar resolbahin ang problema ng kanilang tribo.

Sinuway niya ang kanyang ama at naglakbay sa karagatan – at doon na nagsimula ang kanyang mga adventures.

 

Anna & Elsa

“Let it go, let it go!” Highest grossing Disney movie of all time ang Frozen, na ang bida ay ang magkapatid na Anna at Elsa.

Hangga ngayon, naririnig ko pa rin ang mga kanta dito.

Marami pang Disney Princess na hindi ko nabanggit dito dahil kapos ang space, pero tingin ko, ito ang sampung pinakasikat.

I’m sure, isa sa kanila ang gusto ninyong maging noong bata pa kayo. At kayo namang mga lalaki, kayo na lang ang Prince Charming.

Siguro naman, ayaw ninyong maging Beast.  Ni Kaye Nebre Martin