MGA DOKTOR SA OsMa NAGKAHAWAAN SA COVID-19 

Manila Mayor Isko Moreno

MAYNILA-HINDI pas­yente sa pasyente ang transmisyon ng CO­VID-19 sa pagamutan sa lungsod kundi doktor sa doktor na.

Ito ang inamin ni Ma­yor Isko Moreno at nangyari aniya ito sa Ospital ng Maynila (OsMa), ang flagship hospital ng lungsod kasabay din ng pagbubunyag nito na 11 medical frontliners na pawang mga doctor at nurses ay naka-confine na dahil nagpositibo sa COVID-19.

Ang apat na confirmed cases ay naka-home quarantine habang 32 namang ‘suspects’ ang nasa home quarantine subalit symptomatic.

Ang confirmed cases base sa contact tracing na ginawa ay nagkaroon ng  close contact sa 58 katao.

Dahil sa masaklap na pangyayaring ito, ini­utos ni Moreno na isara muna pansamantala ang OM na nagsimula noong Biyernes, Hulyo 31 hanggang Agosto 9 upang ma­bigyan naman ng ‘breather’ o panahon para makapagpahinga ang mga doktor at nars at iba pang medical personnel dahil kung dati ay pasyente sa doktor ang naghahawaan, ngayon ay doktor sa doktor na.

Ang ten-day closure ng ospital ay upang ma-sanitize ang buong pasilidad at mabigyan naman ang mga medical frontliner ng breathing space. VERLIN RUIZ

Comments are closed.