MGA DOKUMENTO SA COMELEC LIGTAS SA SUNOG

TINIYAK ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na intact, ligtas at walang nasunog na mga dokumento at equipment sa lahat ng opisina at departments ng main office nito sa Intramuros, Maynila.

Ito ang sinabi ni Atty. John Rex C. Laudiangco Director III, Law Department Acting Spokesperson nang sumiklab ang sunog sa gusali ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros Manila.

Ayon kay Laudiangco, tanging ang reception area ng Information Technology Department (ITD) ng Comelec sa ika-pitong palapag ang nasunog.

Aniya, ang iba pang opisina at departments na matatagpuan sa nasabing palapag ng gusali at sa iba pang palapag at ligtas sa pinsala ng sunog.

Lahat ng ITD personnel na on duty ay ligtas ding lumikas kasama ang iba pang duty guards, electricians at iba pang general services personnel ng Comelec kabilang ang Palacio del Gobernador Security and Maintenance Personnel gayundin ang mga equipment .

“As to the Election Results and Data, please note that the same are safe, secure, intact and unaffected, and remains to be on live posting, both at the COMELEC official website (www.comelec.gov.ph) and the Election Results Website (www.2022electionresults.comelec.gov.ph).” ayon kay Laudiangco

“Back-up of such is intact and safe as well, kept as well at our secured vault.” dagdag pa ni Laudiangco.
Ang Voter’s Registration Data rin aniya ay ligtas, secure, buo at hindi apektado sa isa pang secure na vault, na may back-up sa isang secure na off-site location

Dahil sa limitadong lugar na direktang apektado ng sunog,sinabi ni Laudiangco na ang iba pang mga digital at pisikal na file, administratibo, pagpapatakbo o panghukuman ay ligtas, ligtas, buo at hindi apektado.

Samantala, nagsasagawa aniya ang BFP ng kanilang imbestigasyon, ang lahat ng opisina at departamento ng Comelec sa Palacio del Gobernador ay dapat na nasa work-from-home status sa ngayong Agosto 1, 2022, na may kani-kanilang skeleton-work-force na naka-duty. upang magsagawa ng imbentaryo, pagtatasa at magpatuloy sa iba pang mga gawaing administratibo at pagpapatakbo.

Pasado ala- 6 ng hapon ng Linggo nang sumiklab ang sunog sa punong tanggapan ng komisyon kung saan umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong alas-8:16 ng gabi.
PAUL ROLDAN