MGA jeepney driver naman ang inaasahan na isusunod na isasalang sa isasagawang rapid test para sa coronavirus disease sa Mandaluyong City para matiyak na ligtas ang publiko sakaling pahihintulutan na ang mga ito na pumasada.
Ito ang pahayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos matapos na dumaan sa rapid test kamakailan ang 4,000 tricycle driver kung saan 255 ang nagpositibo sa kanila.
Tiniyak ng pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na lahat ng mga tricycle driver na pumapasada sa kanilang lugar ay dumaan sa pagsusuri pasa sa COVID-19 kaya walang dapat na ipangamba ang mga pasahero.
Bukod sa mga tricycle driver ay sumalang din sa isinagawa nilang rapid test ang mga vendor ng Kalentong Market at lahat ay negatibo naman sa COVID-19.
Comments are closed.