ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno pa rin ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang 25 drug suspects sa mga ikinasang operasyon ng drug enforcement units ng QCPD.
Naaresto ng mga tauhan ng Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTC Rodrigo Soriano sa isang buy bust ops ang suspek na si Erwin Depalco, alyas Boy/Barok, 39, ng Brgy. Damayan, bandang alas-9:25 ng gabi ng Abril 11, sa Caragay Com-pound Extension corner no. 3 West Riverside, Brgy. Damayan. Kung saan nakuha ang may 2 sachets ng hinihinalang shabu at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.
Arestado naman ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim naman ni PLTC Alex Alberto ang suspek na si Car-lo Pronuevo, 43, ng Brgy. Sauyo at Edward Castillo, 39, ng Brgy. Sangandaan, bandang alas-11:30 ng gabi nito lamang Abril 11, sa Loans St., Brgy. Sangandaan matapos ang drug transaksiyon. Matapos kapkapan ang suspek ay nakuhanan pa ng pakete ng hinihinalang shabu.
Naaresto rin ng PS 3 sa isang buy bust ang suspek na si Julius Daculan, alyas Jayson, 29-anyos, ng Brgy. Sangandaan at Carlito Sagayap, 41, ng Brgy. Baesa, bandang alas-2:00 ng umaga nito lamang Abril 12, sa Road 23 kanto ng Road 20, Project B, Brgy. Bahay Toro. Nakuha mula sa suspek ang may 6 sachets ng shabu, 1 unit ng Honda motorcycle at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.
Kasama pa rin sa naaresto ng mga tauhan ng PS 3 ang suspek na si Jan George Angelo Benedicto, alyas Totoy, 19, ng Brgy. Unang Sigaw, bandang ala-1:15 ng umaga, Abril 12, sa eskinita ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigawafter kung saan nahuli pa itong nakipagtransaksiyon sa ‘di pa nakikilang suspek na mabilis namang nakatakas. Positibo namang nakuha kay Benedicto ang sachet ng shabu at ang cellphone na ginagamit nito.
Habang ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTC Benjamin Gabriel Jr ay arestdao ang mga suspek na sina Eldon Naingue, alyas Dondon, 32, Jennifer Aviso, alyas Bebe, 32, Edgardo Marquez, alyas Tata, 44, Joel Oroc, alyas Pacquiao, 35, Jerry Boy Almanon, alyas Jeff, 41, at Mathew Magbanua, 30, kapwa mga residente ng Brgy. Pasong Putik; at sina Crisostomo Zuñiga, alyas Raffy, 34, Michael Palenzuela, 23, at Prospero Meneses, 39, naman ng Caloocan City, sa ikinasang buy bust ops bandang alas-9:44 ng gabi ng Abril 11, sa Blk. 2, lot 38, Chalepto Compound, Champaca St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik. Nakuha mula sa mga ito ang 10 sachets ng shabu, 2 aluminum foil strips na may traces ng shabu, weighing scale, cellphone, lighter at ang buy bust money na nagamit sa operasyon.
Naaresto rin ng mga tauhan ng PS 5 si alyas Celsie ng Brgy. Greater Fairview. Ang naturang suspek ay una ng nasita dahil sa pag-ihi nito at hindi pagsuot ng pang itaas na damit sa harapan ng hospital at ng kapkapan ito ay nakuhanan ng pakete ng shabu.
Habang sa Batasan Police Station (PS 6) naman sa ilalim ni PLTC Joel Villanueva ay naaresto sa ikinasang buy bust ops ang sus-pek na si Clever Tagros, 29, ng Brgy. Payatas, Yuri Arceo, 32-anyos, ng Brgy. Commonwealth at Ernanie Perez, 32, ng Brgy. Batasan, bandang alas-8:45 ng gabi, Abril 11, sa No. 27 Upper Everlasting St., Area A, Brgy. Payatas. Nakuha mula sa mga suspek ang 9 sachets ng shabu at ang buy bust money na ginamit sa operasyon. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.