NANANATILING COVID-19 free ang mahigit sa isang libong kawani ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay resulta ng isinagawang apat na beses na mass rapid anti-body testing sa 998 BI personnel na nakatalaga sa NAIA terminal 3 noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Sa 1,026 bilang ng mga empleyado ng BI sa NAIA ay 28 na lamang ang hindi pa sumasailalim sa rapid testing.
Sila ay inabisuhan na magpa-rapid test sa mga accredited government or private medical facilities bago pumasok sa trabaho.
Sa kabila ng magandang resulta sa rapid test ay pinapayuhan ang mga empleyado na mag-ingat at sundin ang health protocol na ipinatutupad ng Department of Health (DOH), upang makaiwas sa sakit na ito dahil hangga’t hindi pa nasusugpo ang virus na ito, nariyan pa rin ang risk na mahawaan ang lahat habang naka-duty sa mga paliparan. FROI MORALLOS
Comments are closed.