HINIKAYAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na i-avail ang financial assistance para sa kanilang mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Secretary Silvestre Bello III, sakop ng cash assistance ng DOLE ang lahat ng kompanya sa formal sector, gaano man ito kalaki o kaliit.
Ani Bello, kailangan lamang ipadala ng kompanya ang kanilang payroll sa ahensiya at magpapadala naman sila ng pera sa employer para maipagkaloob sa mga empleyadong hindi nakapasok dahil sa quarantine.
Una rito nag-alok na rin ang DOLE ng disinfection jobs para sa mga displaced informal worker at makakatanggap ng minimum wage.
Comments are closed.