ISABELA – NAGLUNSAD ang Tactical Operation Group Region 2 (TOG-2) Philippine Air Force na nakabase sa Cauayan Airport, Cauayan City na pinamumunuan ni PAF Col. Augusto Padua at tinungo ang unibersidad sa Isabela upang ipaliwanag sa mga mag-aaral na hindi sila dapat na maniwala sa mga makakaliwang grupo kung sila ay kinukumbinsi na umanib sa kanilang kilusan.
Ang TOG-2, Philippine Air Force ay naglunsad ng “Campus Peace and Development Furom’’ na ang pangunahing tagapagsalita ay ang dating isa sa pinakamataas na lider ng NPA na si Agnes Lopez Reano, alyas ‘’LOLA’’ Former Rebel & National President People’s Advocacy for Collaboration and Enpowerment (PEACE).
Ipinaliliwanag ni alyas LOLA dating commander ng NPA sa mga mag-aaral sa bawat campus ng Isabela State University (ISU) na siyang pangunahing tagapagsalita, na huwag silang maniniwala sa makakaliwang grupo.
Layunin ng pamunuan ng TOG-2, PAF na matapos na ang mga kaguluhan sa buong lambak ng Cagayan kaya inilunsad nito ang ‘’Campus Peace and Development Furom’’ upang maunawaan ng mga mag-aaral sa isinasagawa nilang orientation sa mga unibersidad sa lalawigan, na ang target ng mga komunista ay ang mga mag-aaral upang marami silang makuhang miyembro nila.
Umaasa ang militar na sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ay hindi mare-recruit ang mga estudyante ng mga rebelde. IRENE GONZALES