BULACAN – BAGAMAN may anim katao na ang tinaguriang patient under investigation (PUI) ng Bulacan Provincial Public Health, dalawa na sa bilang na ito ang nagnegatibo sa 2019 novel coronavirus (nCoV).
Habang hinihintay pa ang resulta ng test sa mga samples na sinusuri ngayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Samantala, bilang pagsunod sa panawagan ng Department of Health (DOH) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maging maingat sa nCoV.
Mahigpit nang ipinatupad ng Bulacan State University ang pag-check sa temperature ng mga mag-aaral na pumapasok sa naturang unibersidad gamit ang thermal scanners.
Tinatayang nasa 27,000 mag-aaral ang pumapasok sa BSU.
Nasa 10 thermal scanners ang ginagamit sa apat na gate ng unibesidad.
Bukod pa rito ang limang satellite campus ng paaralan, na mayroon ding thermal scanners upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Ayon naman kay Dr Joselito Alday ng BSU, ang kanilang ginagawa ay bahagi ng vigilant measures upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad partikular sa mga mag-aaral. THONY ARCENAL
Comments are closed.