LUNGSOD NG MALOLOS – Mahigit 900 estudyante ng school-based Public Employment Service Office mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Bulacan ang natuto tungkol sa tamang pamamaraan ng paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng ‘READY. GET SET. HIRED!’, isang career development program na inorganisa ng Bulacan sa pangunguna ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO) na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.
Nadagdagan ang kaalaman ng mga estudyante mula sa Bulacan State University, Bulacan Polytechnic College, Baliwag Univer-sity, Colegio de San Gabriel Arcangel, Bulacan Agricultural State College, STI, Meycauayan College at Immaculate Concepcion College of Arts and Technology tungkol sa Power Dressing and Resume Writing, Job Hunting and Job Interview, at Work Ethics and Attitudes.
Ayon kay Jayson Vinta, officer-in-charge ng Youth Division ng PYSPESO, nagkaroon ng kaalaman ang mga lumahok na es-tudyante sa aktibidad tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag naghahanap ng trabaho at tinuruan din sila ng makabagong mga estratehiya sa pag-a-apply.
Samantala, nagbigay ng mensahe sa mga estudyante ang panauhing pandangal na si dating senador at kasalukuyang Presidente ng The Manila Hotel na si Atty. Jose Lina, Jr. na tangkilikin at pagsilbihan ang sariling bansa sa halip na magtrabaho sa ibayong dagat.
Binigyang linaw naman ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa kanyang mensahe ang pagkakaiba ng kaalaman at kapabilidad. A. BORLONGAN
Comments are closed.