BIBIGYANG prayoridad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong Muslim na magsasagawa ng Hajj pilgrimage sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia.
Ayon sa Twitter ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi nito na maaari nilang iproseso ang kanilang mga pasaporte sa courtesy lanes ng lahat consular offices sa buong bansa.
Batay naman sa inilabas na abiso ng DFA, puwedeng mag-walk in ang mga Pilipinong Muslim sa mga tanggapan simula Mayo 23 hanggang Hunyo 3.
Kailangan lamang dalhin ng mga ito ang regular na requirements para sa passport issuance, certificate of Muslim Filipino tribal membership na inisyu ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Isasagawa ang Hajj pilgrimage sa darating na Hulyo. DWIZ882