NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang assorted medicine at injectables na dala ng isang pasahero na walang permit o clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Dumating ang pasahero sa NAIA Terminal 3 mula Bangkok,Thailand sakay ng board Cebu Pacific flight 5J 930.
Ayon kay Customs NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang mga nasabing gamot pagdaan sa X-ray scanning kung saan nakita ang imahe ng mga gamot.
Makaraang isagawa ang eksaminasyon ng mga tauhan ng Customs nakuha sa bagahe nito ang 67 bottles ng Thai FD supplement, 1 box Diane Ot 35, 70 boxes Estradiol Valerate Injection USP, 9 boxes Hyles 100, 40 packs Destrodiot Benzoate Inj., 100 packs Estrofem 2ml, 100 packs Progynova 2ml, 20 foils OC-35, 50 foils Duoton Fort Ampule and 25 boxes Prolition Depot ng walang maipakitang health permit.
Dagdag pa ni Talusan, walang maipakita ang may ari o pasahero ng clearances o kaya permit to import, na naging dahilan upang kumpiskahin ang mga ito kasabay sa pag-turn over sa opisina ng FDA para sa masusing imbestigasyon. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.