MAS tumaas pa ang presyo ng mga gulay na ibinababa sa La Trinidad, Benguet matapos ang mga pag-ulan nitong nakaraang linggo na sumira sa mga pananim.
Mula P2 hanggang P15 umaabot ang pagtaas sa presyo ng gulay na binabagsak sa La Trinidad Trading Post.
“Mas marami na ‘yong mga second class. Kakaunti na ‘yong top quality because of the continuous rain,” saad ni Agot Balanoy, manager ng Benguet Farmers Marketing Cooperative.
Kung dati ang P110 hanggang P120 na presyo ng wholesale na letsugas ngayon ay umaabot na ito mula P120 hanggang P130 kada kilo. At ang presyo ng mga ito ay magtataas pa lalo kapag dinala sa pamilihan sa malalayong lugar.
Patuloy naman daw ang pagbabantay sa mga presyo ng gulay ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng Department of Agriculture sa Cordillera at wala pa raw iregularidad dito. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.