MGA GUMAGALING SA COVID-19 NADADAGDAGAN ARAW-ARAW

DOH-COVID

MAY 85 pasyente pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nakarekober na mula sa sakit.

Dahil sa naturang bagong recoveries, umaabot na sa 3,177 ang kabuuang bilang ng mga pasyente ng COVID-19 sa bansa na gumaling na mula sa virus.

Samantala, iniulat din ng Department of Healr na hanggang alas-4:00 ng hapon ng Mayo 23, umabot na sa 13,777 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala pa sila ng panibagong 180 new COVID-19 cases sa nakalipas na magdamag.

“As of 4PM today, May 23, 2020, the Department of Health reports 180 new cases of COVID-19. The total number of cases in the country is now at 13, 777,” anang DOH.

Ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng karagdagang 114 new cases o 63% habang ang 66 new cases o 37% ay naitala naman sa iba pang rehiyon.

Nadagdagan rin naman ng anim pa ang namatay sa sakit sanhi upang umakyat na sa 863 ang COVID death toll sa bansa. PILIPINO MIRROR Reportorial Team

Comments are closed.