MGA GUMALING SA COVID-19, HINIKAYAT NA AGAD MAGPA-BOOSTER

HINIHIKAYAT ang lahat ng fully vaccinated individuals na gumaling matapos mahawaan ng COVID-19, na agad magpa-booster.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag nawala na ang sintomas at natapos na ang isolation period ay maaari nang tumanggap agad ng booster ang sinumang nakakumpleto na ng first at second dose.

Alinsunod sa IATF Resolution, ang sinumang tinamaan ng mild symptoms, healthcare worker man o hindi, ay kailangang mag-isolate ng pitong araw mula sa dating 10 araw.