MGA GURO DAPAT BAKUNADO SA PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES

BONGBONG MARCOS-5

ANG  pagkakaroon ng face-to-face classes ay maaaring isang magandang senyales na ang bansa ay unti-unting nakakarekober mula sa pandemya, ngunit dapat tiyakin ng Department of Education (DepEd) na dapat munang mabakunahan ang mga guro.

Ipinanukala ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na dapat huwag ituloy ng Dep-Ed ang iminungkahing patakaran nito na huwag gawing sapilitan ang pagbabakuna ng Covid-19 para sa mga tauhang nagtuturo at hindi nagtuturo sa mga paaralan na lalahok sa pagsubok sa pilot testing ng face-to-face classes.

“I think there is a need to take a second look at that policy. Simply because in other countries, ang experiences nila was that there were risks involved in having non-vaccinated teachers and staff when they went back to face-to-face classes. Don’t get me wrong, I’m happy that at least we are trying to start face-to-face classes. It is actually good news because that is a very good sign that, somehow, we are slowly going back to normalcy,” dagdag ni Marcos.

Binigyang diin nito na hindi tulad sa nakaraang taon, ang mga bata at mga kabataan ay hindi gaanong mahina sa mga nakaraang pag-atake ng virus, ngunit sa sobrang nakahahawang variant ng Delta na ngayon sa buong mundo, mayroon nang libo-libong mga bata sa edad na apat at mas mababa sa edad sa 19 na nahawahan ng Covid sa Pilipinas.

Batay sa data mula sa Department of Health, mayroong 38,825 Covid cases ang mga batang nasa apat na taon at pababa, 40,286 kaso sa mga bata sa pagitan ng limang taong gulang hanggang siyam na taong gulang; 54,847 sa mga bata na 10 hanggang 14 taong gulang; at 82,434 sa mga tinedyer na nasa pagitan ng 15 at 19 taong gulang.

Giit ni Marcos, ang mga kabataang nasa edad na mas mababa sa 18 na hindi kasama sa priority sa pagbabakuna, lalo silang vulnerable kapag nahalubilo sa mga hindi pa nabakunahang mga guro at non-teaching personnel sa mga paaralan.

“Kung ‘yung findings noong isang taon hindi masyadong naapektuhan ang mga bata, hindi masyadong tinatamaan ang mga teenager, iba na itong Delta variant. Mas highly infectious itong variant na ito.

Ngayon, marami nang mga bata, mga teenager at pati mga sanggol na nahawaan. Kaya ‘yung mga teachers, I believe they should be vaccinated because they are exposed to so many people and then they are exposed to children, students, young people na hindi pa nasisimulang bakunahan,” ayon dito.

Sa paulit-ulit na panawagan na isama ang mga guro at non-teaching personnel ng DepEd sa listahan ng mga prayoridad para sa pagbabakuna, iminungkahi ni Marcos na maglaan ng isang bahagi ng mga bakuna na inaasahang ganap na maihahatid sa maraming mga batch sa pagtatapos ng Oktubre, para sa pagbabakuna ng mga guro.

Nauna nang inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nasa 41.5 milyong doses ng Covid vaccines ang inaasahang darating ngayong huling linggo ng Setyembre at Oktubre na magbibigay ng kabuuang bilang ng supply ng bakuna sa 100 milyon.

480 thoughts on “MGA GURO DAPAT BAKUNADO SA PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES”

Comments are closed.