PINARANGALAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Gabay Guro, ang mga guro sa pamamagitan ng isang concert sa pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day.
Hinarana nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gabby Concepcion, at Julie Anne San Jose ang humigit-kumulang 1,800 mga guro sa lungsod.
Tampok din sa selebrasyon sina Jona Viray, Randy Santiago, Jason Dy, at Renz Verano at ang mga komedyanteng sina Ate Gay at Regina Otic.
Hindi naman nagpadaig sina Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Clint Geronimo na sumayaw bilang pagbibigay-parangal sa mga guro ng Navotas.
“Gusto naming ibigay kung anuman ang pinakamabuti para sa ating mga guro. Ito ang paraan namin para parangalan ang kanilang mga sakripisyo para sa kabataang Navoteño, sa pagtulong sa kanila na maging responsableng mamamayan,” ani Tiangco.
“Ngayong taon, nakatanggap tayo ng dalawang mahahalagang pagkilala: ang Seal of Good Education Governance at ang Galing Pook award para sa ating ACcessible, Holistic and Inclusive Education (ACHIEVE). Lahat ng ito ay nakamit natin dahil sa inyo at sa pagmamahal ninyo sa inyong bokasyon,” dagdag niya.
Nagpasalamat din ang alkalde kay PLDT Senior Vice President at Gabay Guro chairperson Chaye Cabal-Revilla sa tulong nito sa lungsod para maging mas espesyal ang pagdiriwang para sa mga guro.
Samantala, nagpahayag din ng pasasalamat si Cong. Toby Tiangco sa mga guro ng Navotas sa kanilang pagmamahal at pagma-malasakit sa kanilang mga mag-aaral
Ipinagdiriwang ng Navotas ang Navotas Teachers’ Day tuwing ikalawang Biyernes ng Disyembre ayon sa Municipal Ordinance No. 2006-02 subalit napaaga noong isang linggo dahil sa proklamasyon ng De-partment of Education na maagang Christmas break sa susunod na lingo. VICK TANES
Comments are closed.