MGA GURO, LEARNERS HINIMOK MAKIISA SA VAXX

HINIMOK  ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at estudyante na makiisa sa pagbabakuna ng mga bata laban sa COVID-19.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mahalaga ang pagbabakuna upang maprotektahan ang komunidad at mga kabataan laban sa nakahahawang sakit.

“With additional protection for our stakeholders, we can further implement our safe-return-to-schools initiatives while helping our economy recover,” ayon sa kalihim.

Tiniyak ng kalihim na sa pakikiisa ng mga guro at estudyante, ipagpapatuloy ng DepEd ang pakikibahagi sa paglaban sa COVID-19.

Hinikayat din ng DepEd ang lahat ng field offices na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa patuloy na vaccination drive para sa mga bata at frontliners ng sektor ng edukasyon.

Hinimok din nito ang mga guro at kawani na tumanggap ng booster shots.

“We are reminding our personnel and offices to not wait since local government units are already vaccinating and giving COVID-19 jabs to their constituents,” dagdag pa ni Briones. ELMA MORALES