(Mga guro tinatarget) CAR LOAN SCAM IBINABALA

Car loan

BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa umano’y car loan scam na tinatarget ang public school teachers.

Ayon sa DepEd, nasa 29 teachers na ang naging biktima ng Labas/Casa/Assume Balance/ Loan Accommodation scheme.

Ang scam ay napaulat na nagsimula sa Pampanga

Nagsampa na umano ng kaso ang mga biktima laban sa mga nasa likod ng scam.

Lumitaw sa imbestigasyon na hinikayat ng mga salarin ang mga guro na may problema sa pananalapi na magaplay para sa car loan kapalit ng pera, kabilang ang downpayment para sa unit, at pangakong passive income sa isang transport network vehicle service bilang insentibo kapag naaprubahan ang loan.

Gayunman, iniiwan na umano ng mga salarin ang kanilang mga biktima sa sandaling ma-turn over sa kanila ang mortgaged cars.

Nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga awtoridad para sa ikadarakip ng mga nasa likod ng scam.

“We remind out- reaching and non-teaching personnel and the public as well, to remain vigilant against financial scams,” ayon sa ahensiya.

Ang iba pang mga biktima o binibiktima ng kaparehong scheme ay maaaring magsumbong sa DepEd Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng kanilang e-mail: [email protected] o hotlines: 863-1663 at 863-1943