MGA HAKBANG TUNGO SA PAG UNLAD NG EKONOMIYA INISA-ISA NG EKONOMISTA

ISANG  kilalang ekonomista ang nagpahayag ng mga maaaring gawing hakbang tungo sa ikauunlad ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa mga susunod na rehimen ng pamahalaan.

Sa kanyang mga pahayag sa harap ng mga opisyal at kasapi ng Rotary Club of Manila kahapon na kinabibilangan ng mga malalaking negosyante ng bansa, mga diplomat, mga ambassador, dating matataas na opisyal ng pamahalaan, at mga expats, sinabi ni Dr. Bernardo Villegas, Ph.D., Professor ng University of Asia and Pacific na may tatlong kauna unahang dapat tutukan ang pamahalaan bukod pa sa iba pang maaaring gawin upang patuloy na iangat pa ang ekonomiya ng bansa.

Bagamat nagpakita umano ng kaunting sigla ang ekonomiya ng bansa sa kasalukyang administration, subalit ito ay mas kailangan pang palakasin upang umangat mula sa ngayong estado na “low income performing” economy hanggang mabilang man lang sa kategoryang “middle income performing economy, o higit pa.

Idiniin ni Villegas na kailangang mapalakas ang importasyon ng mga produktong pang-agrikultura ng bansa habang ang ating “food security” ay patuloy na pinapatatag. Ikalawa, dapat umanong makahikayat ng mas maraming “foreign” investors ang Pilipinas na magpapasigla, magpapaganda sa Pilipinas, at magpapalakas sa ekonomiya ng bansa at makapagbibigay ng mas maraming hanapbuhay. Subalit magagawa lamang ito kung ang pamahalaan ay tututok sa pagpapaunlad ng impraestuktura ng bansa, na isang naging magandang bahagi ng agenda ng administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte.Ikatlo, kailangan ay kailangang gawan ng paraan mapaglabanan ang korupsyon na siyang nagpapahina ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Villegas, dapat ay magpatupad ng mas maraming impraestruktura sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na sa mga “key cities” nito.Idiniin ni Villegas na kailangang maisakatuparan ang mga binabalak na pagsasagawa ng farm to market roads para sa “food security ng bansa. “Agri-agra” partnership kung saan hindi lamang subsidiya upang matulungan ang mga magsasaka sa kabuhayan at produksyon kundi magkaroon ng katiyakan sa pag- aari ng kanilang mga lupaing sinasaka.

Bagamat ang Pilipinas ay kilala sa pag- iimport ng ilang produkto tulad ng mga saging, subalit kailangan gumawa pa ng hakbang upang makilala rin ang iba pang produktong agrikultura ng bansa na humina tulad ng bigas.

Kabilang sa kanyang mga suhestyon pagdating sa “infrastructure“ ay ang pagsasagawa ng mas maraming train, telecommunication, kalsada, hindi lang nakasentro sa Metro Manila, kundi maging sa mga umuunlad na mga siyudad sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Hindi naman sumang-ayon si Villegas sa naging suhestyon ng Department of Transportation (DOTR) sa nakaraang administrasyon sa planong ikonekta ang malalaking isla ng bansa na Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng train system na dadaaan sa dagat dahil sa kalat kalat na isla ng Pilipinas dahil sa magiging malaking halagang kakakailangain dito. Bagkus ay kailangang lagyan ng kanya kanyang malalakas na telecommunication system ang bawat lugar na sa ngayon ay inirereklamo ng mga investor na mahina ang signal at nakakabawas sa interes ng mga banyaga na mag- invest sa ating ekonomiya lalo na sa malalayong bahagi ng ating bansa. LUISA GARCIA
ITUTULOY