Mga Holidays na dapat abangan sa 2022

Kasisimula pa lamang ng 2022 at magdadalawang taon na ang pandemya. Nahirapan tayo at patuloy pa ring nahihirapan, pero patuloy tayong umaasang gaganda na ang sitwasyon – at syempre, umaasa rin tayong maganda ang magiging resulta ng mga holidays na ipinagdiriwang sa Pilipinas.

Magandang ideya ang magplano, lalo nan ga kung holiday na walang pasok sa opisina at paaralan. Sa ilalim ng Proclamation No. 1236, inanunsyo na ng Malacañang ang listahan ng mga holidays ngayong 2022, kasama ang lahat ng karaniwan at hindi karaniwang non-working at working holidays. Sa 2022, alam na ng lahat na special working holidays ang November 2 (All Souls’ Day), December 24 (Bisperas ng Pasko), at December 31 (Bisperas ng Bagong Taon), tulad din noong 2021.

Naiproklama ang mga working holidays upang makatulong sa enhance economic productivity sa panahon ng pandemya. Hindi nagbago ang iba pang holidays na inipon namin upang matulungan kayong magplano ng inyong bakasyon. Pero lagi sana nating tandan ang mga safety at health standards lalo na kung medyo lalayo tayo  para magbakasyon. Iwasan ang matataongf lugar, i-maintain ang social distancing, at huwag kalilimutang magsoot ng face mask. Magdala rin lagi ng alcohol o hand sanitizer, at maghugas palagi ng kamay. Alalahaning kaligtasan pa rin ang pinakamahalaga.

Bilugan na ang kalendaryo para sa mga long weekends na pwede kayong magsaya.

  January 1, 2022 – Sabado (New Year’s Day)

Hehe! Tapos na kaya huwag na nating isali. Sana lang, nag-enjoy kayo.

 

 

  April 9, 2022 – Sabado (Araw ng Kagitingan)

Yung iba kasi, may pasok ng Sabado sa opisina, pero sa Araw ng Kagitingan, bilang pagpupugay sa mga sundalong lumaban sa panahon  ng WWII. Abot 76,000 sundalong Filipino at Americano sa Bataan ang sumuko sa mga Hapon noong April 9, 1942 na sapilitang pinaglakad sa tinatawag na ‘Death March’ mula Bataan hanggang Capas, Tarlac na dumaan sa San Fernando, Pampanga. Libo-libo sa kanila ang pinatay o namatay dahil sa gutom, uhaw at impeksyon ng sugat, matapos maglakad ng 106 kilometro ng walang pahinga. Inaalala ito taon-taon sa Mt Samat Shrine sa Pilár, Bataan, at dinadaluhan ng Pangulo ng Pilipinas at iba pang dignitaries.

 April 14, 2022 – Huwebes (Huwebes Santo)

Lagi namang holiday ang Huwebes Santo bilang isa sa ating mga tradisyon. Ito ang araw ng Visita Iglesia, o church visits, bilang bahagi ng Mahal na Araw. Ito ang panahon ng bakasyon para sa pamilya at maging sa mga opisina

 April 15, 2022 – Biyernes (Biyernes Santo)

Kasunod ng Huwebes Santo, ang Biyernes Santo ay banal na araw para sa mga Katoliko. Walang misa, ngunit nagsisimba pa rin ang mga tao para sa staions of the cross o making sa Huling Pitong Wika. Sa araw na ito, hindi kumakain ng karne ang mga Katoliko. Yung iba, hindi kumakain maghapon, at nagdarasal lamang.

 May 1, 2022 – Linggo (Araw ng Paggawa)

Unang ipinagdiwang ang Labor Day o Araw ng Paggawa noong May 1, 1903 na may kasama pang parada mula Plaza Moriones sa Tondo hanggang sa bahay ng American Governor General na ngayon ay tinatawag na Malacañang upang tutulan ang kapitalismo. Sa araw na ito, nakagawian nang magsagawa ng rally ng mga labor organizations upang ipahayag ang kanilang hinaing

 

 June 12, 2022 – Linggo (Araw ng Kalayaan o Independence Day)

Mahalagang araw sa mga Filipino ang June 12 hindi lamang dahil walang pasok, kundi dahil ito ang raw na nakalaya tayo sa paninikil ng mga Kastila sa loob ng mahigit 300 taon. Noong June 12, 1898, sa Kawit, Cavite, idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo na malaya na ang Pilipinas. Sa unang pagkakataon, iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at inawit ang Pambansang Awit na Lupang Hinirang.

Pinirmahan ni dating President Diosdado Macapagal ang Republic Act No. 4166, na nagtatalaga sa taunang paggunita at pagdiriwang ng araw na ito noong 1964. Sa ngayon, inaalala ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng military parade, 21-gun salute, at speech mula sa Presidente ng United States of America.

 August 29, 2022 – Lunes (Araw ng mga Bayani/National Heroes’ Day)

Sa araw na ito, National Heroes Day, binibigyan ng parangal ang mga bayaning nagsilbi sa bayan upang makamit ang la honors the country’s heroes who have served to uphold the country’s honor ankalayaan, ngunit hindi gaanong kilala. Inaalala sila tuwing huling Lunes ng Agosto, ang anibersaryo na rin ng Cry of Pugad Lawin, na hudyat ng simula ng pag-aaklas laban sa mga Kastila noong 1896. Pinararangalan ang lahat ng mga bayani kabilang na sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, at marami pang ibang hindi gaanong nababanggit sa Kasaysayan.

 November 30, 2022 – Miyerkules (Bonifacio Day)

Kilala naman natin si Andres Bonifacio bilang Ama ng Rebolusyong Filipino (Father of the Philippine Revolution), at dahil birthday niya ito, ginugunita natin ang kanyang kuntribusyon sa kalayaan. Itinuturing siyang isa sa mga pinakamahalagang bayani ng lahi na kalebel ni Jose Rizal.

 

 December 25, 2022 – Linggo (Pasko)

Halos buong mundo ang nagdiriwang ng Pasko kaya choosy pa ba tayo?

 December 30, 2022 – Friday (Rizal Day)

Kung may Bonifacio Day, mawawalan ba naman ng Rizal Day e siya ang ating National Hero. Ito ang araw na binarily siya sa Luneta. Pinaratangan siyang irehe at filibuster dahil sa mga aklat na sinulat niya – ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Dumako naman tayo sa mga Special Non-Working Holidays para maayos ninyo ang inyong vacation schedule

 

February 1, 2022 – Martes (Chinese New Year)

Dati naman, hindi talaga ito holiday, pero idineklara ni former President Benigno Noynoy Aquino na holiday na ang Chinese New Year o Spring Festival bilang special non-working holiday noong 2011 sa ilalim ng Proclamation No. 295 bilang pagkilala ng matatag na pakikipagkaibigan sa mga kapatid nating chinoy (Chinese-Filipino).

February 25, 2022 – Biyernes (EDSA People Power Revolution Day)

Taon-taon, tuwing February 25, inaalala nating ang kaisa-isang peaceful EDSA People Power Revolution na pinilit gayahin ng ibang bansa ngunit hindi nila nagawa. Tayo lamang ang Nakagawa ng rebolusyong hindi madugo at dapat natin itong ipagmalaki. Kinikilala itong world’s most peaceful, dahil napatalsik sa posisyon si President Ferdinand Marcos na wala man lamang nasaktan o nasugatan.

 April 16, 2022 – Sabado (Sabado de Gloria)

Dahil isa itong ‘dia pichito’ o ipit na araw, at wala rin namang pumapasok dahil hindi pa tapos ang isang linggong holiday, nakasanayan na itong maging holiday. Tuwing Sabado de Gloria, nakagawian na ng mga Katolikong magsama-sama. Naghahanda sila para sa Domingo de Pascua (Linggo ng Pagkabuhay/ Easter) upang salaubungin ang muling pagkabuhay ni Hesus. Isinasagawa ang “salubong” dakong 4 a.m. upang alalahanin ang pagkikita ni Hesus at ng kanyang inang si Maria matapos siyang bumangon sa ikatlong araw ng kanyang pagkamatay.

 

 

 August 21, 2022 – Linggo (Ninoy Aquino Day)

Ito ang araw ng pagpatay kay Senator Benigno Aquino, isa sa mga naunang kumalaban kay Ferdinand Marcos at sa kanyang dictatorship. Ang kanyang kamatayan ang nagbigay-daan upang mahalal na pangulo ng Pilipinas ang kanyang asawang si Corazon Aquino at ang kanyang anak na panganay na si Noynoy Aquino. Si former President Gloria Macapagal-Arroyo ang nagtalaga ng Ninoy Aquino Day bilang  national holiday noong 2004.

 November 1, 2022 – Martes (All Saints’ Day)

Magkasunod ang Undas/All Saints’ Day (November 1) at Araw ng mga Patay/All Souls’ Day (November 2). Isa nang tradisyong sinusunod ng lahat ng mga Filipino upang alalahanin ang mga namayapang mahal sa buhay.

 

 

 December 8, 2022 – Huwebes (Piyesta ng Imaculada Conception ni Maria)

Ito ay fiesta ng Maynila at ng buong probinsya ng Batangas kaya walang pasok sa mga opisina at paaralan – ngunit ipinagdiriwang din ito sa buong Pilipinas ng mga Katoliko at maging sa ibang bansa na rin – bilang pagkilala sa paglilihi kay Cristo na walang kasalanan. Kasalanan ba ang makipag-sex?

Isama na rin natin sa mga special non-working holidays ang Eid’l Fitr, ang pagtatapos ng isang buwang Ramadan, at Eid’l Adha, ang Feast of Sacrifice, na parehong Islamic festivals na naayon sa Hijra o lunar calendar. – KAYE NEBRE MARTIN

One thought on “Mga Holidays na dapat abangan sa 2022”

  1. Pingback: 3poisoning

Comments are closed.